Paasa + Ang Gwapong Nilalang

7K 195 12
                                    

Late update. hehe.. You can also read my other story-- You're My Crush He's My Love! if you want to. Enjoy reading. :))

CHAPTER 13

Paasa + Ang Gwapong Nilalang

Nakasakay na 'ko ng taxi. Buti nalang mabilis akong nakakita, baka mamaya pabalikin ako ng Harold na yun. Tss. Ewan ko sa kanya!

Basta ang mahalaga ngayon, tuloy ang date ko! Ang soyo-soyo!

"Kyaaaaa!!!!" sigaw ko. Bigla namang napahinto ang taxing sinasakyan ko saka napalingon si manong driver.

"Ah..eh.pasensya na po. hehe..Excited lang." saka nag peace sign dito. 

Napailing na lang si manong driver at pinaandar ulit ang sasakyan.

Kaseeeee naman! Hindi na 'ko makapag-antay! Weee!! Grabe, kabado ako. Pano ba 'to?? Eeeee....ngayon palang kinikilig na ko! Iniisip ko palang yan ah. Pano pag andun na ko mismo?

*sigh*

Tiningnan ko ang sarili ko. Nakasuot ako ngayon ng simple but elegant black dress, 2-inch high heels, and pair of earrings. May necklace din ako, yung gift saken ni mommy nung birthday ko. Magagandahan kaya saken si Lei mamaya? Sana.. hihi..

Maya-maya'y nagvibrate ang phone ko. Zzzzttt...zzZZztt...

Calling...

Lei My Love


Shemay! Tumatawag na siya! Ano kayang sasabihin niya? Hindi na din ba siya makapag-antay na makita ako? Ayiieee!! Sobra na din ba siyang excited para tanungin kung pwede niya kong maging girlfriend? Hayyy...Himatay.

Pero saglit, anlayo na ng tinahak ng utak ko. Sasagutin ko muna.

"H-hello?" nakangiting sagot dito habang pinipigil ang sariling kiligin.

"Cass?" ahhhhhh! Ang gwapo pati boses niya. Kinikilig ako. Omaygad :>

"A-ahmm yes?" Brace yourself Cass. Eto na yun...eto na yun! 

"Cass, I'm sorry."

O___O

Ano daw??

"Huh? Why say sorry?" naguguluhan kong tanong. Baka male-late siya. hehe..

"I can't be there. May emergency dito sa bahay. Pasensya ka na." hindi ako makapagsalita.

Teka lang..Asan na yung "can you be my girlfriend na line" ?  Ibig sabihin, di na tuloy yung date namen? My very first date with him? With the one I love the most? NAKAKAIYAK!


TT__TT


"Cass, are you still there?" narinig ko sa kabilang linya. Hindi ko namalayan na tumutulo na ang luha ko. Ansakit pala?

"Ah..a-ah..yeah. Sige. O-okey lang." pero hindi okey eh. Ansakit. Parang sinaksak yung puso ko.  I've waited for nothing?

 "Babawi ako next time Cass. I promise." sabi niya.

"E-eh..hehe..okey lang. Nuh ka ba?!" pinilit kong tumawa para wag niya mahalata na umiiyak ako. Pero yung luha ko parang bukal. Ayaw tumigil. kainis!

"S-s-sige. I'll hang up na. Buti nalang di pa ako nakakapagbihis." pagsisinungaling ko dito. Shete ka! Nakapagbihis na ko lahat-lahat tapos hindi matutuloy?! ANO TO??!

Marriage at the Age of Sixteen! (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon