Stranger

12.2K 252 8
                                    

 Chapter 3- STRANGER

Harold's P.O.V.

Andito na ko ngayon sa kwarto namen. Sumalampak ako sa couch.Putcha! Nakakabadtrip talaga ang babaing yun! Ipahiya ba naman ako doon sa mga tao sa restaurant? Napaka-amazona talaga. Sa lahat ng ayaw ko yung mga maiingay na babae. Pssh.

Nakakaasar talaga.. Badtrip! Bakit ba kasi siya pa yung napili nina Dad? Wala na ba silang mahanap na maayos-ayos dun? Yung hindi naman sana isip-bata.

Ok lang naman saken kung ipakasal nila ko kase sa una palang sinabi na nila saken yun. Pero sana naman pumili sila! Ang gwapo ko para mapunta lang sa isang isip-bata't amazonang Cassandra na yun! Kaliwa't kanan yung mga nagkakandarapa saken, seksi tsaka magaganda. Tapos sa kanya lang ako mapupunta?? Putcha naman oh! Ano to joke??!!

Buti nalang hindi ako gumawa ng eksena kanina sa kasal. Naiirita na ko eh. Antagal-tagal ng seremonya... para na nga akong baliw sa pagngiti eh. Buti nalang sanay ako sa pagpapanggap. At talagang inaayos ko yung kilos ko dun kase ayoko ring ipahiya sina Mom and Dad.. Kaya ayun, dapat pa-gentleman ako. Aist!

Kilala ko siya. Kilalang-kilala. Cassandra Valle. Siya lang naman yung taong nagpahiya saken sa school. F*ck. Kaya tinandaan ko talaga yung mukha niya. Siya lang yung nagkalakas-loob na gumawa saken nun eh! At yun pala, klasmeyt ko siya sa isang subject namen. Pambihirang pagkakataon nga naman! Pero pansin ko na hindi niya na ko pinansin pagkatapos nung insidente saming dalawa. Bakit kaya?..hmm..pakialam ko ba sa kanya..

Nung makaalis kami ng reception eh ayaw ko na sanang tumuloy dito sa Paris, kaya lang nagtext si Mom pagkasakay namen. Wag daw akong gagawa ng ikasisira ng image nila. So ayun, natuloy nga kami dito. Dalawang araw lang naman kaya okey lang. Todo panggap naman ako, pakitang-tao kumbaga. Tapos pinansin pa ng babaeng yun. Ipakita ko daw ang tunay na ako? Eh buti nga pinakikisamahan ko siya ng maayos. Minsan ko lang yun ginagawa at maswerte siya! Kung tutuusin nga dapat magpasalamat pa siya saken!! Yung ibang babae makasama lang ako eh sobrang saya na. Siya? hindi eh!?  Amp!

     

Letche talagang babaeng yun. Ang ingay-ingay pa kagabi! Masyadong nagfi-feeling. Akala niya naman type ko siya. Arggghh.. No way and never! Ayoko sa mga katulad niya na bukod sa maliit, parang bata pa kumilos. Ahh!!! Nakakaasar! Kung pwede nga lang mag-divorce na kami eh. Sh*t.

Haysss..   

Nagulat naman ako ng biglang tumunog yung cp ko.

Mommy calling.....

 Pinindot ko. "Yes Mom?" sagot ko.

"Hey son, how's the place? Okay lang ba kayo jan? Asan pala si Cassandra?" sunod-sunod na tanong ni Mommy. Masyado talaga silang concern sa babaing yun. Amp!

 "Ahm------" naputol yung sasabihin ko.

"HA BAKET?? Nag-away ba kayo? Di ba Harold sinabihan ka na namen ng Daddy mo na dapat mong alagaan si Cassandra?! Asawa mo na siya!"  sigaw saken ni Mommy. Concern na concern talaga siya dun. Tssss...

"The place is good and we're fine. Natutulog siya ngayon, gusto niyo gisingin ko," boring kong sagot. Nagsinungaling na lang ako. Tsaka sanay na kong sinisigawan nina Mom and Dad.

Parang nahiya saken si Mommy. "Ai hehe.. ganun ba hijo? Wag nalang... Sabihin mo nalang na mag-enjoy siya ha?" 

 "Yes, I will. Sige, may gagawin na ako,"at akmang ibaba ko na ang telepono---

 "Wait ! Harold, I just want to remind you about sainyo ni Cassandra. Alam mo naman ang do's and dont's di ba? Please be kind to her son. She's so young, innocent and sweet. Wag mo siyang pababayaan or else---?"

Marriage at the Age of Sixteen! (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon