Me, Harold and Friends

7.5K 180 2
                                    

CHAPTER 20

Cassandra's P.O.V

Friday.

"Cassandra, meet my friends. Aldrade, Griffin, Frozen, Cristoff and Brent." pagpapakilala ni Harold sakin. Walang kaemo-emosyon ang mukha nito at parang mukhang napilitan lang na ipakilala ang mga kabarkada niya sakin. Tse! Ayusin niya manners niya kung ayaw niyang bumalik sa elementary. Tss. 

"Hello sainyo." malumanay ngunit masigla kong tugon rito. Nahihiya akong onti sa kanila. Konti lang naman kase kilala ko naman sila. Schoolmates kame. Yun nga lang, ako lang ata ang nakakakilala sa kanila. Hindi mutual. Sobrang sikat kase sila sa school. I did recognize Brent. Magka-subdivision kase kami nito dati nung hindi pa ako lumilipat dito. Pero hindi naman kami close so I consider him as an acquaintance.

"Hi Cass!" sabay-sabay na wika naman ng mga kaibigan ni Harold at kumaway sakin. Mukhang mababait naman sila. Inabot nila isa-isa ang kamay sakin at nahihiya naman akong nakipagkamay sa mga 'to. 

Grabe, ang swerte ko para makasama ang mga kabarkada ni Harold! hihi.. Sobra kasi silang sikat na papatay ang sinuman, wag lang maagaw sa kanila isa man sa mga to. Feelers. As if naman na magugustuhan sila ng mga to diba.

"Akyat lang ako." turan ni Harold samin at dumiretso na sa may hagdanan. Nagsusungit na naman ang impakto. Pero yaan niyo na.

Ishe-share ko nga pala sainyo. Alam niyo ba na sa sobrang pagka-excited ko noon sa pagdalaw nila ay nawala sa isip ko na lihim pala ang pagiging mag-asawa namin ni Harold? Goshness. Because of this, kinompronta ko si Harold nung isang gabi at ang paliwanag naman nito'y nagiging fair lang daw siya sakin. Alam naman daw nina Britney at Bella ang kalagayan namin kaya why not him? 

Kung sabagay, may point naman siya kaya pinalagpas ko nalang iyon. Tsaka, mas okey na rin siguro na may karamay kaming dalawa noh. Tsaka, parang smooth na ang pagsasama namin ng impakto these past few days. Di na ako GAANONG sinisigawan. Pero mabalik na nga tayo.

"So, anong gusto niyong kainin?" nakangiti kong tanong sa mga kaibigan ni Harold. Binalingan ko si Brent na noo'y nakatingin lang sakin at maya-maya'y nilibot ang paningin sa bahay.

"Gusto ko ng barbeque!" rinig kong sabi nung katabi ni Brent. Base sa pagkakaalala ko, si Cristoff to. Yung nerd look. May malaking salamin kase to. Pero wag ka, magaling pumorma. 

"Sige, ano pa?" natutuwa kong wika kay Cristoff. Bigla namang nagsalita si Griffin, yung gwapo na katabi ni Aldrade. 

"Ahmm..ice cream." wika nito at kumindat sakin. Bigla namang nag-init ang mukha ko. Shemay, ang gwapo ni Griffin. Kaya pala crush ito ni Bella eh. Sshh..Wag niyong sabihing sinabi ko sainyo ah. Sikretong malupet daw yun eh.

"Isdang inihaw. Can you do that?" si Frozen. Nakasalpak ang headset nito kaya akala ko hindi niya naririnig ang pinag-uusapan namin. Isa pang sikretong malupet, crush to ni Britz. hehe..Mukhang laging seryoso ang drama nitong si Frozen.

"Yes of course!" tuwang-tuwa ko namang sabi dito. Pasimpleng napangiti naman sakin si Frozen. Shemay na malagkit. I'm so lucky to meet them!

"What else?" i asked.

"Baka mapagod ka naman masyado Cass?" si Brent na noo'y may hawak ng libro at nagbabasa. Wait, san niya nakuha yun?  Di bale na nga.

"Hindi ah. I'm enjoying your company.hehe.. Just feel free to ask me what you want, I'll serve it." Fastfood lang? hehe..

"Marunong ka magluto Cass?" si Cristoff na mukhang gulat na gulat.

Marriage at the Age of Sixteen! (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon