BELLA's Love story

3.4K 78 6
                                    

CASSANDRA's P.O.V.


It's almost 7pm ng makarating kami sa bar ni Aldrade. Pumasok kami and as expected, marami ng tao sa loob. Luminga-linga ako sa paligid para tingnan kung nakarating na din sina Britz ngunit di ko ito mahagilap.


"Cass, akyat tayo. They're upstairs." sabi ni Harold saka inalalayan ako paakyat ng hagdanan.


"Bro! Cass!" rinig ko.


Nakita ko si Aldrade pati sina Cristoff. Andun din sina Griffin at Brent ngunit di ko makita si Frozen at Britney. Kumaway ang mga ito sa amin kaya't lumapit kami dito.


"Akala namin di na kayo makakapunta." sabi ni Aldrade saka tinapik si Harold sa balikat. "Buti pinasama mo. Glad to see you Cass." saka ngumiti ito sakin.


I smiled back. "Congratulations." Nag-thank you naman ito saka pinaupo kami sa mga upuan na nandoon. Kung titingnan ang paligid, mapapansin mong very luxurious ang may-ari. Kumbaga, yayamanin talaga. Hindi basta-basta ang mga gamit sa loob.


"Ahmm..asan pala si Frozen?" tanong ko dahil hindi ko pa din sila makita.


"He's sick." sagot ni Brent na noo'y busy sa pag-inom.


So ibig sabihin, di pupunta si Britz?


"Britney called me. Unfortunately, they can't go."


"Ah ganun ba.." ang babaeng yun, di man lang ako tinext. Eh si Bella kaya?


"Wanna dance? Baba tayo." aya ni Griffin.


"Sige lang." sabi ko dito saka kumuha ng baso. Juice lang naman ang laman kaya okay lang.


"Ayaw mong sumayaw? Masaya yun." sabi sakin ni Harold ngunit tumanggi ako. Nauna na ang ibang mga kasama nito pababa.


"Go ahead. Kayo nalang. I'll wait for Bella. Sige na, sama ka na sa kanila."


"Bella?" takang tanong ni Aldrade. "Is your friend coming?"


Bago pa man ako makasagot ay inunahan na ako ni Harold. "Yes bro. Kilala mo naman si Bella, right?"


Hindi agad ito nakasagot.


"Bro, okay ka lang?"


Parang nagising naman ito. "Of course! Good to know na pupunta siya. Tell me once she arrive." saka parang wala sa sarili na sumunod ito sa mga kasamahan paibaba.


"Hehe...sige." Hindi ko maiwasang mapaisip. Ang weird ng kilos ni Aldrade. May nangyari kaya between him and Bella? Hmmm..


"Cass, sigurado ka bang ayaw mo munang bumaba? I can stay here if you want." sabi ni Harold sakin at umupo sa tabi ko saka paakbay naipinatong ang kamay sa balikat ko.

Marriage at the Age of Sixteen! (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon