A Present

4.9K 139 12
                                    

Cassandra's P.O.V


"Friend, di ba bukas na yung birthday ni papa Harold?" ani Bella sakin habang kinukutkot nito ang hawak na Pic-A.

Tumango lang ako rito habang busy ang kamay sa pagtatype. Actually, ka-chat ko si Mommy, I mean mommy ni Harold. Pinapakita nito sakin ang preparation para sa gaganaping party bukas. Balak ko sanang tumulong pero wag nalang daw sabi ni Lala kasi baka mapagod lang daw ako. Di nalang din ako nagpilit kasi alam kong hindi rin lang nila ako papayagan.

"May nabili ka na bang gift Bella?" tanong naman ni Britz na noo'y naglalagay ng mascara sa pilik-mata nito.

"Aba syempre naman. Hindi pwedeng wala pa noh. Eh ikaw ba?"

"Oo, dumating na kanina lang. Galing pang France yun noh."

Napangiwi nalang ako sa naririnig na usapan nung dalawa. Daig pa nila ako. Ako yung girlfriend slash asawa pero hanggang ngayon eh pinag-iisipan ko pa rin ang ireregalo ko. Tuyong-tuyo na nga yung utak ko, sintuyo na ng disyerto pero wala pa din pumapasok kung ano ba'ng magandang ibigay.

"Eh ikaw Cass, anong gift mo sa kanya?" si Bella.

"Ha?" biglang nawika ko saka nagpalipat-lipat ang tingin sa dalawa. Nakangiting nag-aantay naman ng sagot ang dalawa.

Napakamot ako sa ulo ko. "Eh..hehe..."

Unti-unting nabura ang ngiti nung dalawa. Unang nagsalita si Britney. "Don't tell me, wala ka pang regalo sa kanya?" nasa mata nito ang pagtataka.

Pasimple akong ngumiti sabay tango ngunit bigla ko nalang naramdaman ang paghila sa buhok ko kaya napahiyaw ako. "Bella?!" nandidilat ang mga matang hiyaw ko.

"Sa lahat ba naman ng bagay, yun lang di mo pa napag-isipan? Gosh." parang malolokang wika ni Bella at maarteng napahawak pa ang dalawang kamay nito sa ulo.

Hindi ako sumagot.

"Friend," saka tinapik-tapik ako sa balikat ni Britz, " hindi naman ibig sabihin na dahil nasa kanya na ang lahat ng bagay na kailangan niiya ay hindi ka na mag-eeffort magbigay noh. Sa tingin mo ba okay lang yun sa kanya? Syempre hindi. It's the thought that counts kaya." saka nag-apply naman ito ng lipstick.

"Correct! Kaya pag-isipan mo na ang ibibigay sa kanya friend." Narinig na namin ang buzzer kaya't tumayo na kami para tunguhin ang classroom.

Tsk. Ano kayang pwedeng ibigay sa kanya?

Hmmm...

Sarili mo nalang kaya Cass? anang utak ko.

ANO?? Kinilabutan ako sa bulong ng utak ko. GHAD! Erase! Erase! Jusmiyo. Ba't yun ang naisip ko? Eeeeeee!! Bahala na nga!


-----------------------------

HAROLD'S P.O.V


"HAPPY BIRTHDAY TO YOU! HAPPY BIRTHDAY TO YOU! HAPPY BIRTHDAY HAPPY BIRTHDAY, HAPPY BIRTHDAY HAROLD!"

"Blow your candles son!" ani Mommy. Nahihiya man ay sumunod nalang ako. Sabay namang nagpalakpakan ang lahat ng mga bisita. Pili lang ang mga guests at karamihan sa kanila ay ang mga umattend ng kasal namin. Of course, Mom and Dad including Gran knows that we don't want to let this in public. Not now.

Napatingin naman ako sa katabi ko. Si Cassandra. Masayang pumapalakpak din ito habang nakatingin sa mga bisita. Napangiti ako bigla ng maalala ang expression nito nung nag-usap kami. I'm sure, nag-blush talaga siya. Gusto ko sanang kulitin ito about doon ngunit lagi naman akong inuunahan ng pag-aalangan.

Marriage at the Age of Sixteen! (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon