When prevention is better than cure..

1K 14 0
                                    

A.N:

Hello guys! Susubukan kong mag-update hangga't kaya ko. Haha. Sa mga patuloy na nagbabasa, huwag kayong mag-alala, matatapos ko na din to. yeahh! 'Nga pala, kung mapapansin niyo, binibigyan ko muna ng highlight si Bella sa mga succeeding chapters, okies? Kawawa naman. Walang love life tulad nung author. BWAHAHAHA... char! Enjoy reading!

~Bevs

*****

BELLA's P.O.V

"Why so gloomy?" tanong ni Britney saken. Humihikab pa ito dahil kagigising niya lang. Morning palang sa kanila habang 8pm na dito sa Pilipinas. Napag-usapan na namin ang schedule ng pagtawag sa skype kaya magkakausap kami ngayon.

"Oo nga Bella. May hindi ka ba sinasabi samin?" tanong naman ni Cass. Nasa kitchen ito at nagbi-bake ng cookies. Masyadong nawili nung matutunan ang baking. Courtesy of Harold daw. Tch.

"Nah. Pagod lang ata sa school," matipid na sagot ko. Pinagpatuloy ko ang pagsusulat sa notebook habang kausap ko sila. "Kamusta ka naman, Britz?" saka tiningnan ito.

Nakatawa ang matang sumagot ito. "Okay naman.." Hindi maikakailang napakabuti nga ng kalagayan nito doon. Ediwow.

"Psshhh. Ba't ko pa nga ba tinanong? I'm sure na okay ka naman since Frozen's with you," saka ipinagpatuloy ang ginagawa. Sa States din kasi nag-enroll si Frozen. I'm not sure if it's because of his parents or dahil hindi nila kaya ang LDR. I don't know.

"Ai ang bitter," rinig kong sabi ni Cass. "Magkakalove-life ka din Bella, nuh ka ba. In God's perfect time."

Napatigil ako sa narinig. "Anong bitter? Ako bitter? Of course not!" malakas na wika ko saka itinuon ang atensyon sa sinusulat. Kelan pa ko naging bitter? "Aww f*ck." Napadiin ata ang sulat ko kaya nabutas yung papel.

"Bella??"

Napatingin ako dun sa dalawa. 

"Sorry," sabi ko nalang. "Madami pa akong gagawin girls. Kayo na muna ang mag-usap ah," sabi ko sa dalawa sabay pindot ng end button.

Wala sa mood na itinabi ko ang phone sa side table saka tumihaya sa higaan. Nakatitig lang ako sa bubong nung kwarto. And just like the other nights, naalala ko na naman ang dapat hindi ko maalala.

Everything is still lucid in my memory. The way he looked at her, I know he adore that girl. His face, the expression on his eyes, his smile, I know... he's longing for her affection. He's in love with her.

Hindi ko napigilang mapaluha sa naalala. Bakit sa lahat ng magugustuhan ko, siya pa? Bakit ang sakit-sakit makita yung crush mong may mahal na iba? I know hindi kami magke-level pero, I can't accept the fact na hindi ako kailanman magiging karapat-dapat sa kanya. Bakit? Bakit ikaw pa, Griffin?


****

"Hey. Come in," nakangiting bati sa akin ni Harold ng pagbuksan ako nito ng gate. May pool party daw kaya ininvite nila ako. Hindi sana ako pupunta dahil alam kong andito si Griffin pero I convinced myself to go. Baka kung ano pa ang isipin ni Cass once na magdahilan ako.

Oo. Gusto ko ng iwasan si Griffin as much as possible. Prevention is better than cure, sabi nga di ba. Na-heart broken ako sa nakita ko nung sundan ito at ayoko ng dagdagan pa yung sakit na nararamdaman ko. Hindi ako masokista. Ang oa ko siguro sa paningin ng ibang tao, pero ansakit talaga. Haha.. Masyado ata akong na-fall. 

"Nasa pool na sila," ani Harold saka sinamahan ako papunta dun. As expected, naroon ang barkada. Si Frozen lang ang wala.

"Friend!" rinig ko sa boses ni Cass. Excited ang mukhang kumaway ito sa akin at iniwan ang iniihaw. Hilig talaga nitong magluto. Nakipagbeso-beso ito pagkalapit sa akin.

Marriage at the Age of Sixteen! (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon