Encounter

4.5K 153 12
                                    

HAROLD'S P.O.V


Pauwi na kami ng biglang magyaya si Cristoff. May magandang court daw na pwede naming paglaruan sa may Oval Park kaya't gusto nito iyong ipakita samin. Ayaw ko sanang sumama dahil may atraso pa ko kaninang umaga kay Cassandra ngunit mapilit ang barkada.

"Saglit lang tayo pre. Sige na. Sumama ka na."


"I have plans. Kayo nalang," I refused.


"Dude, saglit lang naman daw. Pagbigyan na natin tong si Cristoff. We never know, baka may mga chicks dun."


Chicks. Na naman. Poker face na tiningnan ko si Aldrade na alanganing napangiti.


"Hehe...marunong lang akong mag-appreciate ng babae bro," nakatawang wika nito sabay tapik sa balikat ko. Napailing nalang ako. Tsk. Kahit kelan talaga, babae lagi ang nasa isip.


"Kaya pala halos araw-araw iba't-ibang babae ang ina-aappreciate mo. You're really one of a kind dude. Haha.." ani Frozen naman.


"Wala eh. Ang gwapo ko kasi." then he grinned.


Napaawang ang bibig ko sa sinabi nito saka nagkatinginan kaming lahat sabay-sabay na napailing.


"Oh baket, may mali ba sa sinabi ko? I'm just tellin' the truth."


"Tss...tara na nga." aya ko sa barkada at sumunod naman ang mga ito.


"Hey! Kaibigan ko ba talaga kayo? Wala ba kayong bilib sakin?!" sumisigaw na wika ni Aldrade ngunit hindi namin ito pinansin. Sasapawan pa ako sa ka-gwapuhan eh.


Narating na nga namin ang lugar at totoo nga ang sinabi ni Cristoff, maganda tsaka malawak ang court. Nag-inquire lang sila kung magkano ang fee per game at ayos naman ang presyong sinabi nung lalaki. Minsan lang daw pala binubuksan yun at depende pa kung sino ang maglalaro.


Pabalik na kami sa kotse ng biglang makita ko ang pamilyar na mukha.


Teka...


"Hey bro, where are you heading?" tanong ni Griffin sakin ngunit di ko ito pinansin. Naglakad ako papunta sa direksyon ng babaeng nakita ko na noo'y may kasamang lalaki.



"Cassandra?"


Akala ko'y namamalikmata lang ako ngunit pagtingin nung babae sakin ay di nga ako nagkamali. Nakita kong medyo namutla pa ito pagkakita samin at pilit na tinanggal ang kamay ng lalaking nasa balikat nito.


"H-Harold? A-Anong ginagawa niyo rito?"


Imbes na sumagot ay nabaling ang atensyon ko sa nakaakbay na braso ng lalaki sa balikat nito. Nagtagis ang bagang ko sa nakita at lalo pang naningkit ang mata ko ng makita ang bag na bitbit nito.

Marriage at the Age of Sixteen! (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon