Infairness, magaling din pala siya? :)

6.9K 162 0
                                    

CASSANDRA'S P.O.V

SCHOOL.

Medyo kabado ako ngayon. Lei called me a while ago at mag-uusap daw kami dito sa may malapit sa soccer field. Siguro this is about me and Harold. Si Lala kasi! Hindi ko alam kung nananadya o sadyang gusto talaga kaming paglapitin ni Harold! Yun bang close na close?? Arghh.. 

Alam kong marami na ang nakakapansin sa pagsasabay namin ni Harold. Shemay naman oh.

Nakita ko agad si Lei na papalapit sakin kaya nagkunwari akong busy sa binabasa kong libro. Hangga't maaari ay ayoko ng confrontation. AYOKO TALAGA.

"Kanina ka pa?" anito ng makalapit.  

Tumingala naman ako rito saka tumango saka isinubsob ang mukha sa binabasang libro. Sana hindi to tungkol samin 

"Alam mo ba kung bakit pinapunta kita rito?" tanong nito saka umupo sa tabi ko. 

Napatingin naman ako rito saka umiling.  

Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. Parang biglang nag-alala. "May dinaramdam ka ba?" At inilagay nito ang kamay sa noo ko. 

Umiling naman ako rito. 

"Babe?!"

"What?" takang tanong ko. 

Parang nakahinga naman ito ng maluwag. "Hindi ka kasi nagsasalita. Tango at iling lang ang ginagawa mo. So, may gusto sana akong sabihin sayo."

Awshh..inhale...exhale..Kokomprontahin niya na ko. Ohmygoodness. I'm innocent!

"I'll be away for two weeks Cass. May leadership training kasi kami ng mga officers eh."

"H-ha?"

Bahagyang natigilan ako sa sinabi nito. So iyon pala ang sasabihin niya? 

Gayunpaman, hindi ko rin napigilang mapasimangot sa narinig ko. Teka, mawawala siya? as in two weeks? 14 days?

"Two weeks? Kelangan ba talagang ganun kahaba?" tanong ko. Kainis. Next week eh monthsary na namin ah? tapos wala siya. Badtrip naman oh. 

Hinawakan nito ang kamay ko. "Don't worry. Lagi akong tatawag sayo okay? Wag ka ng malungkot." at pinisil ang pisngi ko. 

Tinampal ko naman ang kamay nito. Nakakainis. Nakahinga nga ako ng maluwag sa isiping hindi naman pala tungkol sa aming dalawa ni Harold ang sasabihin niya kaso, parang bigla namang nabawi niyon agad ng sinabi niya ang leadership training na yan. 

"Baby, naiintindihan mo naman ako di ba? As a leader, kelangan namin yun. For me, for the school." pagpapaliwanag nito. Tss..Oo na, ikaw na leader. 

"Promise tatawag ka?"  

Itinaas nito ang kanang kamay. "Promise." saka hinila ako palapit dito at hinalikan sa noo.  

"Siyanga pala," at kumalas sa akin sabay may hinugot sa bulsa niya tsaka biglang kinuha ang kamay ko.  

"For you." anito at isinuot doon ang isang bracelet. Silver bracelet siya. 

"Anong meron?" bigla kong natanong dito. 

Napakamot naman ito sa ulo niya. "Wala naman. Di mo ba nagustuhan?" parang disappointed na wika nito.  

Ngumiti ako dito saka itinaas ang kamay para sipatin iyon. "Ang ganda naman nito Lei..."  

Tinuro nito ang mga labi at nagpout sa akin. "Kiss ko?" 

Tinampal ko naman ito sa braso. "Umayos ka nga, nasa school tayo." at natatawang pinagmasdan ang disappointed nitong mukha. 

Marriage at the Age of Sixteen! (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon