Stay with me

5.3K 177 5
                                    

CASSANDRA'S P.O.V

"Cass, hindi ba ako karapat-dapat mahalin?"

O________O

S-Si Harold, totoo ba to? Nagda-drama siya sakin ngayon?

"Hindi naman ako manloloko. Nagmahal ako. Pero bakit, bakit nagawa sakin ni Stef to?" punum-puno pa rin ng hinanakit ang boses na wika nito.

Aish. Hindi ka nga manloloko. Nakuuu talaga, ba't ba kasi hindi mo man lang naramdaman na niloloko ka na? Tsk. Ang hina naman ng radar mo.

Syempre sa utak ko lang yan. I'm not that harsh para sabihin ko iyon sa kanya.

Marahang hinaplos ko nalang ang likod nito. "Maaaring may dahilan siya kung bakit nagawa niya ang bagay na yun."  at biglang napakunot ang noo ko sa sinabing iyon. Dahilan?? Sinabi ko ba talaga yun?

"Reason?" wika nito at narinig ko ang mapait na pagtawa nito. "Kaya kong unawain anuman ang dahilan niya. Pero bakit ginawa nila akong tanga?" nakayakap pa rin ito sakin habang nasa boses pa rin ang sama ng loob.

"Harold..."

Umiiyak kaya siya? Pero mararamdaman ko naman kung umiiyak siya kasi mababasa yung balikat ko eh. Pero bakit parang hindi naman? Iiyak o hindi? Pustahan guys! hehe..Iiyak siya sakin for sure. Ho ho...

"Anong ginagawa niyo rito?"

O___O

Bigla akong nabitiwan ni Harold. Nagtatakang napalingon naman ako sa likuran ko kung saan nakatingin si Harold at muntik na akong matumba ng makita ang mga ito.

"Anong ginagawa niyo rito mga ugok?" tanong ni Harold saka nilapitan sina Cristoff. Oo, andito sila.

Teka, ba't andito sila? Nagtatakang tiningnan ko ang mga ito na hindi alintana ang pamumula ng mukha ko.

Agad naman na nagsalita si Brent. "Nag-alala lang itong si Cristoff kung napano ka. Hindi ka kasi pumasok sa school." seryosong wika nito ngunit ang tingin ay nasa akin. Naiiwas ko tuloy ang paningin ko. 

"Nag-aalala? Tss..Parang hindi naman kayo sanay na umaabsent ako." wika ni Harold. Nanatili lang akong nakatayo sa may gilid ng pool habang nakayuko. Ang awkward kaya! Naabutan nila kaming magkayakap! 

"Uy. Hi Cass!" biglang bati sakin ni Cristoff sabay kaway. 

"Hi Cass." bati naman nina Aldrade.

Naiangat ko naman ang paningin ko. "Hello." pilit ang ngiting wika ko. Asarrr..ba't ang wrong timing nilang dumating? Nagmomoment pa kaya kami! Ayan tuloy, di siya napaiyak! Hmp!

Pinulot ko nalang ang mga nagkandahulog na mga gamit ko.

"Ano ka ba pre! Mahal ka kaya namin kaya nag-alala kami." rinig kong wika ni Cristoff.

"Anong sabi mo nerd? Mahal? Haha..O tara na, magpakasal na tayo." parang asar na wika ni Harold kay Cristoff.

"Bakit nga pala hindi ka pumasok?" rinig kong tanong naman ni Frozen dito.

"Wala." pag-angat ko ng paningin ko'y nakita kong pumasok na sa loob si Harold. Sumunod naman ang mga kabarkada nito dito. Naiwan akong nakasimangot. Hmp. Di pa nga kami tapos mag-usap, umekstra naman agad ang mga to? Aish!

Marriage at the Age of Sixteen! (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon