JUST STAY AND REST...

8.8K 177 3
                                    

CHAPTER 17

--JUST STAY AND REST--

Cassandra's P.O.V.

Bigla akong nagising ng maramdaman kong may nakapatong sa akin...

Nakapatong na.....

kamay..

Kayo talaga oh, iba na naman ang iniisip niyo noh?  xD

Pero teka, sino ba to? Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko at bigla itong nanlaki pagkakita sa kung sino.

Si...Harold??

Kinusot-kusot ko ang mata ko at tiningnan ulit. Si Harold nga! Anong ginagawa nito dito sa kwarto ko? Mahimbing itong natutulog at nakapatong ang kaliwang braso nito sa may beywang ko na parang nakayakap sakin??

Dahan-dahan kong itinakip ang kamay ko sa bibig ko dahil baka makasigaw na naman ako ng di-oras. Ito ang natutunan ko sa Harold na 'to: Don't just jump into dirty conclusions, isip-isip muna bago mag-assume. Tss..The nerve! Asa. =_= 

Pinilit kong gumalaw pero dahil balot ako  ng kumot ay hindi ko magawa.. Tsk. Ano ba'ng nangyari kagabi?

Sinubukan kong alalahanin kung ano ang nangyari at ang tanging naalala ko ay ang pagkahimatay ko. Shet. Nahimatay nga ako. Ibig sabihin, inalagaan niya ko kagabi? Wala na kasi akong ibang maalala..Pag may sakit ako, nawawala ako sa huwisyo. Pero, inalagaan niya talaga ako?? Hay hansweet naman!!

AMP! Pwe pwe! Sweet?! Bigla kong nasapo ang noo ko dahilan para ikagalaw ni Harold.

HUWEYT! Baka magising siya?! 

Napapikit ulit ako at inantay kong bumangon ito pero wala na akong naramdamang pagkilos. Marahan kong iminulat ang kaliwang mata ko at napagtantong di pala nagmulat ng mata itong katabi ko. Ayt..tulog-mantika pala to?

Maya-maya'y gumalaw na naman ito kaya napapikit na naman ako. Ano ba naman! Kanina pa ako papikit-pikit dito ah! Kung gigising ka, gumising ka na! 

Ilang sandali pa'y nabigla naman ako dahil hinila ako nito papalapit sa kanya! OMO! Nahigit ko ang hininga ko at grabe napapitlag ako ng bahagya sa ginawa niya...Bahagya lang naman.Pero...

Waaahh!! Wooohhh!!! Jus ko po. Dug dug. dug.. can't breath. Anlapit na ng mukha ko sa kanya. Goodness! 

Nakaharap siya sakin ngayon at hindi ko mapigilang tingnan---err...pagmasdan ang mukha ni Harold. Oo, pinagmamasdan ko siya. Ang amo ng mukha niya pag tulog. Yung ilong niya, matangos. Yung labi niya manipis at mapula. Nakatakip ang ilang hibla ng buhok nito sa may mata niya. Ang gwapo niya pala talaga...Siomai..

Napako ang tingin ko sa mata niyang nakapikit. Bakit kapag nagsasalubong ang paningin namin ay laging ito yung napapansin ko? Napahilig ako sa unan habang pinagmamasdan siya.

 Ooopss..Kiri whoops?! 

Hoy Cassandra! Ano bang ginagawa mo? 

Eeee....ano ba naman yan! Nakakainis! Ba't ba ko nagagwapuhan sa kumag na 'to? Tama na nga ang pag-check sa mga angles niya. Achuchu...

Maingat kong iniangat ang braso niyang nakapatong sa bewang ko. Di-naglipat sandali ay nagawa kong tanggalin ang kamay niya. Agad-agad akong bumaba ng kama at hinanap ang pink na pink na hello-kitty padded cotton slippers ko. (pagbigyan ang mga mahilig sa hello kitty! xD) Isinuot ko ito agad at mabilis na lumabas ng kwarto.

Takte! Anong oras na kaya?

Tiningnan ko ang orasan na nasa dingding at nakita kong 8am pa lang naman pala. Nagtungo ako sa kabilang banyo at nag-ayos ng sarili. Pagkatapos ko'y biglang kumalam ang sikmura ko kaya dumiretso ako sa kusina. 

Marriage at the Age of Sixteen! (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon