No Choice. ;)

6.4K 174 3
                                    

CHAPTER 21

Cassandra's P.O.V.

Physics time.

May iniwang seatwork si Sir bago lumabas. May meeting daw lahat ng teachers. Ewan ko kung para san. Kaya ngayon, lahat kami nagsusulat. 

Oh baka maitatanong niyo, nasaan si Harold? Ayun, natutulog. Ewan ko ba diyan kung anong pinaggagawa kagabi at parang puyat na puyat. Nauna akong pumasok sa school tutal hindi niya naman ako isinasabay. Once lang. Hmp.

O siya, hindi ko na siya pagtutuunan ng pansin. A waste of time.

Habang nagsusulat ay may narinig ako sa may bandang likod kaya hindi sinasadyang napalingon ako rito.

"Harold, uhmm...gusto mong kumopya?" wika ni Samantha kay Harold na noo'y nakayukyok ang ulo sa arm chair. Hindi ito sumagot. Tsk. Isnabero talaga.

"Uy Harold..." pamimilit pa rin ni Samantha pero hindi pa rin tumitinag mula sa pagkakayukyok si Harold. Tulog mantika talaga. 

"Sam, wag mo gagalawin yan. Baka mamaya magalit sayo." bulong ng kaibigan nito, si Becca. Tama yan, wag niyong gambalain, baka makakita kayo ng tigre.

Aist. Bahala nga kayo dyan.

At itinutok ko ulit ang atensyon ko sa papel na sinusulatan ko.

"Sh*t! What do you think you're doing?! Don't you ever touch me with your filthy hands! " rinig ko sa bandang likod kaya't napalingon na naman ako. 

"H-harold, tatanungin lang sana kita kung gusto mong ku-kumopya..."

Naningkit ang mata ni Harold sa narinig at naitulak nito si Samantha. 

"Ouch!" hiyaw ng babae kaya't dali-dali akong napatayo sa upuan ko para tulungan ito.

"Ano ba Harold?!" naniningkit din ang matang baling ko dito. 

Pinukol naman ako nito ng matalim niyang titig na parang nagsasabing, you're-out-of-this. Pero hindi pa rin ako nagpatalo dito.

"Tamang asal ba yang ginawa mo ha? Ang manakit ng babae?!" pasigaw ko rito. Nakakakulo ng dugo.

Napasinghap naman ang mga kaklase ko sa ginawa ko lalo na sina Bella at Britney na noo'y kakarating lang mula sa pagbili ng papel sa labas. Wala pa kasing naglakas loob na sumagot kay Harold. Tsk. Parang naulit na naman ang ginawa kong pagsagot dito noon.

"Shut up." hindi nakatingin na sabi nito sakin bagkus ay kinuha nito ang bag sa upuan at akmang aalis.

"Wag mo kong shina-shut up shut-up dyan!" 

"Cass, o-okey na.." wika ni Samantha na nanginginig pa habang nakahawak sa laylayan ng uniform ko. 

"No! Yung mga lalaking ganyan, dapat tinuturuan ng leksyon!" at hinablot ang braso ni Harold.

"Hoy lalaki! Wag kang aalis! Humingi ka ng tawad kay Samantha!" 

Pero hindi ako nito pinansin bagkus ay tinalikuran ako nito. Grr...Sinusubukan mo talaga ako ha?! 

Hinubad ko ang suot kong sapatos at ibinato iyon kay Harold. Sapul!

Suits him! Haha.. 

"F*ck!" rinig kong naisambulat nito at lumingon sa akin. Napahawak ito sa ulo niya na alam kong nasaktan. Nakita ko ang nag-aapoy nitong tingin sakin.

Marriage at the Age of Sixteen! (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon