Paano?

4.3K 136 2
                                    

Cassandra's P.O.V

Kinabukasan ay nakabusangot na pumasok ako sa school. Hindi maganda ang naging tulog ko. I mean, hindi ako nakatulog kakahintay kay Harold. Kabanas! Ba't ba kasi ako naghintay sa lalaking yun? Almost 4am na siya dumating sa bahay. Alam kong 4am dahil mulat na mulat pa ko ng tumunog ang alarm ko.

"Good morning friend!" bati ni Bella pagkakita sakin. May sinusulat ito sa notebook ng madatnan ko. Siguro nagda-drawing na naman ng powerpuff girls. Masyadong fan ni Blossom eh.

Hindi ako sumagot bagkus ay matamlay na umupo sa upuan ko. Anong maganda sa umaga?

Nagtataka namang tumayo ito at lumapit sakin saka nagtatakang dinama ang leeg ko. "Wala ka namang sakit, may problema ka ba friend?"

Tinanggal ko naman ang kamay nito sa leeg ko at yumukyok sa upuan. "Wala to. Okay lang ako."

"Okay." at nagtatakang bumalik naman ito sa upuan niya.

Sinubukan kong ipikit ang mga mata ko. Masyado ko naman atang inistress ang sarili ko kakaisip sa lalaking yun. Pero hindi ko rin maiwasang mag-alala. San ba siya nanggaling kagabi?

Pagkatapos ng klase ay dumiretso agad ako sa washroom para maghilamos. Marami kasing nakapansin na parang lantang gulay daw ako ngayong araw. Ayoko namang umuwi ng ganito ang mukha. Mas lalong sasama to pag nakita ko yung impakto sa bahay. Hmp.

Binuksan ko ang faucet at isinahod ang kamay dun. Pagtingin ko sa salamin ay napansin kong nangingitim nga ang paligid ng mata ko. Tsk. Nagmukha tuloy akong panda.

Walang anu-ano'y may pumasok na dalawang babae sa loob ng washroom. Sa lakas ng mga boses nito ay parang sila lang ang tao sa loob. Palengke lang? Kelangan may sigawan factor?

"Grabe girl, swear! Kakalbuhin ko yang Stefanie na yan!" halata sa boses ang panggigigil nung isang babae.

"Hay naku! Sasamahan kita girl. That bitch!" at kinuha ang press powder sa bag saka nanalamin.

Sino kayang pinag-uusapan nila? Nakakatakot naman ang pinag-uusapan nila. Makaalis na nga. Ngunit bago tuluyang makalabas ay biglang nahagip ng tenga ko yung sinabi nung babae.

"Kawawa naman si Harold girl nuh?" anito sa malungkot na boses.

Bigla akong napahinto sa paglabas ng pinto.

Harold?

Bahagyang umurong ako pabalik para marinig ang usapan nung dalawa.

"Oo nga eh..hindi ko siya nakita ngayong araw. Mukhang di ata pumasok."  

Kaya pala hindi ko rin makita ang anino nito kanina. Nakita ko kasi ang grupo nila ngunit ng hanapin ng mata ko ang bulto niya ay wala ito. 

"Tsk. Sa tingin mo girl, nasaktan kaya siya?" 

"Tanga! Malamang! Ikaw ba naman lokohin, hindi ka masasaktan?" 

OMG. Napatakip ako ng bibig ko. So it means... 

"Pero parang mas ayos na yun!" 

"Ba't naman?" 

"Shungak! Syempre, single na ulit siya. So, pwede na tayong umekstra!" 

"Oo nga nuh? Kyaa!!!" at nag-apiran ang dalawa. Agad na lumabas ako ng washroom at dali-daling tinungo ang gate.

Habang pauwi ay hindi ko maiwasang mag-isip. Paano niyang nalaman na niloloko siya ni Stef? Nalaman niya kaya yun kagabi lang? Awtz sheet. Sigurado akong nasaktan ng sobra si Harold. Yun siguro ang dahilan kung bakit umaga na siyang nakauwi. Pero ang tanong: PAANO NIYANG NALAMAN?

----------

Marriage at the Age of Sixteen! (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon