It's Official.

5.5K 170 14
                                    

CASSANDRA'S P.O.V


"Cass...Stef..." anang boses sa likuran ko.


O_______O


S-Si H-Harold. Harold. Harold. Oh Em Gee. Anong gagawin ko??


 Dahan-dahang napalingon ako sa likuran ko at muntikan na kong matumba ng makita ang mga kasama nito. Oh Em Gee again! Ba't nandito ang fans club niya??? Nakagat ko na lang ang labi ko. Huhu..patay ako neto. Ba't ko ba kasi pinatulan tong Stef na to. Yan tuloy, mukhang magkakapatong-patong ang mga problema ko.

"What did you say?" anang babae sakin. Magkasing-height lang naman kami pero syempre mas maganda ako. Walang kokontra okay.

Hindi pa ko nakakapagsalita ay nagsalita na naman ang isa sa mga kasama nito kaya't napatingin naman ako dito.

"What the heck? G-Girlfriend ka ni Harold??" naniningkit ang mga matang sabi nung babaeng maputi. Oo, maputi lang siya pero di maganda. Uy ah, nagsasabi lang ako ng totoo noh! nyehehe...Mukhang siya yung president nung fansclub nila. Pinukol lang naman ako nito ng nanunuring tingin.

Gusto na naman sanang umandar ng pagka-maldita ko ngunit pinigilan ko. Isa, dalawa, dalawa....sampu...labing-lima... Tsk tsk. Andami nila. Pinili ko nalang na manahimik. Mahirap na. Huhubells!

"Oppa! Girlfriend mo siya? Akala ba namin false rumors lang yun?" mukhang maiiyak na sabi nung babaeng green ang buhok. Pamilyar to. Teka, naalala ko na! Siya yung nang-away sakin dati! Naku, naku...Kasama niya din yung mga alipores niya na gusto ata akong patayin sa tingin. Sorry nalang sila pero mukhang immune na ako sa mga ganyang titig.

Palihim na inirapan ko nga ang mga ito. Hmp!

"It's not true right? Right?" wika pa ng mga ito. Nakatingin silang lahat kay Harold including Stef. Napa-roll nalang ako ng mga mata dahil pare-parehas sila ng expression ng mukha. Ba't ba inaangkin nila ang isang tao na hinding-hindi naman nila magiging pag-aari?

Wow, parang sinabi mong pag-aari mo na si Harold ah..Yieee!!! sabi nung utak ko.

Hindi noh! Bigla kong ipinilig ang utak ko. Excuse me pero hindi ako kagaya nila. Tsk.

Nagulat ako ng biglang lumapit sakin si Harold at inakbayan ako. "It's true. You've just heard it. She's my girlfriend." saka nginitian ako nito.

"H-Harold.." yun lang ang lumabas sa bibig ko habang nakatitig dito.

"WHAT????!" over sa pagkagulat ang mga mukha nung mga fangirls niya. Maging si Stef ay hindi na din makapagsalita. Bakas sa mukha nito ang pagka-shocked. Ako......di ko pansin pero biglang nanginig ang tuhod ko. Buti nalang at mukhang naramdaman ito ni Harold kaya agad na inalalayan ako nito.

"Oppa! You're just making biro di ba?" di na napigilang umiyak na sabi nung green ang buhok. Naglandas na sa mukha nito ang luha kasabay ang mascara na nilagay nito sa mata.

"Oo nga! Don't do this to us! Please?" nagmamakaawang sabi naman nung ala-president nila. Sh-Shet..lumuhod ba siya? Nakita kong sumunod din ang mga kasamahan nito. Hala, ba't nagsisipag-luhuran sila?

"Girls...please." sabi ni Harold na parang biglang na-frustrate sa nakita. Ayaw niya sa mga babaeng iyakin. Kung di lang siguro ako nito naaalalayan ay tinulungan niya na ang mga itong tumayo. "I know this is hard for all of you to accept, but..." saka tiningnan niya ulit ako. OM. Yung mga mata niya ayan na naman, 

"...I love her."


Jawdropped. A-Ano daw??!

Marriage at the Age of Sixteen! (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon