Sweet

1.1K 15 1
                                    

CASSANDRA's P.O.V

"Class dismissed."

Sa wakas, natapos din. Nagsipag-labasan na ang mga kaklase ko habang ako naman ay nag-aayos pa ng gamit. Napatigil ako ng mapansin kong parang may nakatitig sakin. Tumingin ako sa likuran ko at muntik na kong mapatalon sa gulat.

"Ba't andito ka?" tanong ko kay Storm. Preskong nakaupo lang naman siya sa may dulo nung room habang pinagmamasdan ako. Eeeeee..ang creepy! Hindi ako nagfi-feeling, talagang nakatingin siya sakin.

"We're classmates in this subject. Hindi mo ba ko napansin kanina?" kaswal na tugon nito.

Pilit kong inalala ang nangyari kaninang pagpasok ngunit di ko matandaang nasa iisang klase kami.

"Wow." bulalas nito. "You didn't recognize my presence? That's impossible. Almost all of the girls kept on calling my name. Seryoso, hindi mo ko napansin?"

Eww... Ang hangin.

Nagkibit-balikat nalang ako dito. "Mapansin man kita o hindi, will it make a difference?" mahinang sabi ko saka tinungo na ang pintuan.

"Hey! It's too early to go home," pahabol nito ngunit hindi ko nalang pinansin. Kulang ata sa atensyon yun eh.

PALABAS PALANG ako ng gate ay nakita ko na agad ang pamilyar na sasakyan. Buti naman at hindi na siya bumaba. Baka may makakilala sa kanya eh matagalan pa kami.

Dali-daling tinungo ko ito saka nakangiting kinatok ang pintuan. Binuksan naman nito iyon kaya't pumasok agad ako.

"Yes. I already checked the proposals and we have to be keen on the financial aspect. Sobrang malaki ang allotted budget nila."

Mukhang kausap nito ang Dad niya kaya I waited for them to finish.

"Actually kasama ko na siya. We're in the car. You wanna talk to her? Ah...okay. I'll let her know. Bye."

"Si Daddy?" tanong ko dito kahit obvious naman na ito nga ang kausap nito.

Tumango ito. "He's asking if you're okay with your school. May business meeting daw siya kaya he can't talk any longer."

"Ahhh..."

Yes, hindi kami magkaparehas ng univ ni Harold. Sa Xavier University siya nag-enroll. Isa lang naman sa mga prestihiyosong unibersidad sa bansa and widely known as the institution of company owners. Almost 99% successful businessmen came from said university kaya dun siya ipinasok ni Daddy. Ako naman, I preferred Yesuk University since it has an impressive quality of education pagdating sa pre-med degrees. Oo, may balak akong mag-doctor. 

"Put on your seatbelt. Aalis na tayo."

"Ha? Ah..okay." 

Ba't ang sunget niya na naman? Hindi niya man lang ba tatanungin kung kamusta ang araw ko? Lihim na napasimangot ako. Bad mood ba siya? Tiningnan ko ito ngunit nakatutok lang ang paningin nito sa daan. Moody.

Sasabihin ko sana dito yung tungkol kay Storm ngunit parang wala ito sa mood makipag-usap. Hindi nalang ako kumibo. Kung ayaw niya akong kausapin, di wag.

PAGDATING namin sa bahay ay agad akong umibis ng sasakyan. Hindi ko na ito inantay pang pagbuksan ako ng pinto. Baka mamaya masigawan pa ako dahil nag-eexpect akong pagbuksan. Huh!

Mabilis na tinungo ko ang pintuan saka kinuha ang susi sa bag. Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ay hindi ko inaasahan ang bumungad sa akin.

Scattered petals of roses on the floor.

I swiveled my eyes. There's no need to turn on the lights since each corner has lighted candles. I bit my lips.

"When did you prepare all this?" parang naluluhang wika ko. Bigla tuloy akong na-guilty sa mga naisip ko dito kanina.

Marriage at the Age of Sixteen! (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon