Blue Roses and Baby breath flowers

906 10 1
                                    

STORM'S P.O.V

I went to the flower shop after school. Bumili lang ako ng isang dosenang sunflower since yun ang paborito ni Mommy.

I drove for about twenty-minutes bago marating ang lugar. I parked the car saka naglakad nalang tungo sa kung saan nakahimlay si Mommy. Yes, my mom died early. Bata palang ako ng mawala siya. Huwag niyo akong kaawaan, I still have someone left. 

"Hey, Mom. Look at these flowers. This is your favorite, right?" Inilapag ko sa puntod nito ang mga bulaklak. "Kamusta ka dyan?" I asked as if she will talk to me.

"Don't worry about me. I'm doing great unlike before. Naumpog ata ang ulo ko kaya medyo tumino. Haha." Someone might think I'm weird 'coz I'm talking to a dead person. Well, who cares?

Pagkatapos kong umusal ng panalangin ay nagpasya na akong bumalik sa sasakyan. Ngunit bago ko marating iyon ay nakita ko si Cassandra na pababa ng kotse. Ano naman kaya ang ginagawa nito dito?

Lalapit na sana ako dito ngunit nakita kong may kasama ito. Si Lei. Wtf, are they together again? What about his fianceé, Andrea? And as far as I know, Harold and Cass are still in a relationship. Tang-ina. Naglolokohan ba sila?

Crap, Storm. Andami mo naman atang tanong. Why not confirm it from them?

"Oh. Storm, pare! What are you doing here?" pagbati ni Lei ng makita ako nitong naglalakad palapit sa kanila. 

 I smiled at them and slowly raised my left hand as a response.

"May binisita lang. So..." saka tumingin kay Cass then back to Lei. "Are you together, again?"


"Ah. No, pare. Sinamahan ko lang siya," maagap na sabi nito saka tumingin kay Cass na noo'y nakatingin lang sakin.

"Ah.."

"Oo, sinamahan niya lang ako. Tara na, Lei," wika ni Cassandra saka nagpatiuna ng lumakad.

"Sige pre, see you nalang sa HSG."

Tumango lang ako dito saka sinundan ng tingin ang dalawa.

Weird. Kanina lang ang friendly-friendly nito sakin, asking what I'm playing. Tapos ngayon, parang ayaw ako nitong kausapin. Normal ba ang babaeng yun? Wala lang ako sa mood makipag-usap kanina since death anniversary ni Mommy ngayon. Kasalanan ko bang moody ako? Tch. 

But the flowers...I'm sure she was holding blue roses with baby breath flowers wrapped around it. 

My favorite combination.

CASSANDRA's P.O.V

"Business trip, again?"

Medyo alangang tumango si Harold.

"Allowed ba talaga kayong magleave sa school?" tanong ko. Napapadalas kasi ang business trips nito abroad. I'm not aware na they are permitted to file a leave of absence for business trips, taking into consideration na first year palang sila.

"Yeah. Mas preferred daw ng school kung mae-expose agad sa management ng business. And in my case, it's not a big deal. Dad will take care of it."

This is what I hate. I hate connections. Feeling nila, they are entitled to a special treatment. Hayy buhay nga naman. Hindi ko sila masisisi if they have the guts to do it. My point is, equality. Yun lang. Anyway, in this world, having connections make life easier. Reality sucks.

"Hindi ka na kumibo. Don't be sad. I'll call you everyday," sabi nito saka niyakap ako.

"You promised the same thing before," sabi ko. Nagpunta kasi sila sa New Zealand kasama ang mga business associates ni Dad for almost a week, and in that span, hindi siya nagparamdam. Wow di ba. Madali ko naman siyang napatawad since his Dad always contact me. Intindihin ko nalang daw dahil normal iyon sa mga businessman.

"I'll do my best to get in touch, okay?" then he gave me a peck on my cheek.

"Psh. Ilang pairs ba ng damit ang dadalhin mo?"


- - - - - 

Marriage at the Age of Sixteen! (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon