"Ayos lang ako"

4.5K 175 7
                                    

-dahil nagmessage ka sakin just to say na nagandahan ka sa kwentong to, I owe you this chapter.  :* :)

CASSANDRA'S P.O.V

Nagmamadaling binuksan ko ang gate saka agad-agad na pumasok sa bahay. Kung may makakakita sa ginagawa ko eh aakalaing may humahabol na mamatay-tao sakin sa sobrang bilis ng kilos ko.  

Pagkapasok na pagkapasok sa bahay ay patakbong tinungo ko ang hagdanan para tunguhin ang kwarto ni Harold ng may biglang nagsalita sa likuran ko.

"Why in a hurry?"

Agad na napahinto ako sabay dahan-dahang iniikot ang ulo. Napalunok ako pagkakita dito. Si Harold.

Nakasandal ito sa may dingding sa may kabilang pintuan malapit sa direksyon ng pool habang nakapamulsa ang dalawang kamay. Base sa analysis ko, mukhang stress yung mukha niya.

"I'm asking you. May emergency ba?" wika nito na hindi inaalis ang tingin sa akin,habang nakasandal pa rin ang ulo sa dingding.

"Ah...eh.." hindi ko maapuhap ang sasabihin ko. Sasabihin ko bang hinahanap ko siya dahil nag-aalala ako sa kanya? Aish! Syempre hindi! Ba't ko naman sasabihin yun sa kanya di ba?

"Tss.." at umirap ito. Shet, umirap ba talaga siya? Hindi hindi. Basta yung mapang-asar na tingin niya. Tsk. Tumalikod na ito sakin saka iniwan ako at humakbang patungo sa may pool.

Automatic naman na napasunod ako rito. Alam kong kelangan niya ng kausap ngayon. Nakita kong tinanggal nito ang suot na flip flops na pambahay saka umupo sa may sampahan ng pool at inilublob ang paa doon. Akmang tatanggalin ko din ang suot kong sapatos para gayahin ang ginawa nito ng biglang mapalingon ito sakin.

"Anong ginagawa mo?" 

Napatigil ako sa pagtanggal nung sapatos ko. "Huh? Ano.." tsaka tinuro ang paa nito. "..gagayahin ka. hehe.." saka ipinagpatuloy ang pagtanggal nung sapatos.

"Stop it." saka ibinalik ang paningin sa pool.

"Huh?"

"I said stop what you're doing."

Ba't naman? Masama bang gayahin siya?

Napapout ako. "Ba't naman?" Ang daya talaga ng lalaking to! Ang selfish! Gusto niya siya lang makaranas? Hmp!

Napatingin ito sakin saka nakita ko ang biglang pagngiti nito pagkakita sakin pero saglit lang dahil inilayo agad nito ang paningin. 'Ta mo to, pinagtatawanan pa ko? Ano bang nakakatawa?

"Ba't ngingiti-ngiti ka dyan?" kunwari'y asar na wika ko rito.

"Wag kang magbabasa ng paa." taliwas sa tanong kong sagot nito.

Magsasalita pa sana ako ngunit...

"Don't argue. It's just that, baka mapasma ang paa mo." wika nito sa mababang boses.

Napatingin naman ako sa sapatos ko at dun ko lang napansin na may heels pala yun. Parang ngayon ko lang din naramdaman ang pagod sa pagsuot nun. Ah kaya pala ayaw niya kong pagbasain ng paa...now i know. At napangiti ako sa isiping iyon.

"Ah okay. Thanks." wika ko sabay tanggal pa rin ng sapatos pero hindi ko na inilublob ang paa ko. Hindi naman ito nagsalita pa. Nagkasya nalang ako sa pag-upo dun sa may gilid ng pool malapit sa tabi nito.

Tiningnan ko si Harold na malayo ang tingin. Tsk. Siguro iniisip niya si Stef ngayon.hmp. Ba't ba kasi nagkagusto pa siya sa babaeng yun? Ansarap sapakin! Tinitigan ko ulit ang mukha ni Harold na noo'y walang kakurap-kurap sa pagtingin sa malayo. Hindi naman halatang broken-hearted siya noh. Drama much din pala to. Akala ko dati yung tulad niya eh hindi nasasaktan. Mali pala ako.

"Why are you staring at me?"

Agad na napatigil ako sa pag-iisip saka biglang lumaki ang mata ko ng marealize na nakatitig pala ako ng matagal dito.

"HA? H-Hindi ah!" sabay iwas ng tingin. Sheet. Ba't ba antagal nung pagtitig ko sa kanya? Pwede naman akong mag-isip ng hindi nakatingin sa kanya di ba? huhu..kakahiya.

"Tss..umayos ka nga." wika nito.

Umayos? Maayos naman ako ah...

Hindi nalang ako nagsalita. Ilang minuto na ang lumipas ngunit hindi pa rin ito nagsasalita. Ano to, uupo nalang kami ng hindi nagkikibuan? Ako na kaya ang magsimula? Tingin niyo?

"Why?" biglang rinig ko rito. Kahit mahina iyon ay narinig ko pa rin maging ang hinanakit sa boses nito.

Napalingon ako dito at nakita kong mapait itong napangiti. "G*go kasi ako eh." at sa sinabi nitong iyon ay saka ko lang naintindihan ang ibig sabihin nito.

"Harold..." at hinaplos ang likod nito. Hindi ka g*go. Yung Stefanie na yun ang g*ga! Hmp! Lagot siya sakin kapag nagkrus ang landas namin. Paano niyang nagawang lokohin ang taong nagmamahal sa kanya? :(

"Ba't kay Storm pa?" dagdag nito habang nakayuko pa rin.

Storm? Kilala niya si Storm?

"Harold..." yun lang ang tanging namumutawi sa mga labi ko habang hinahaplos pa rin ang likod nito. Paano ko ba maipaparamdam sa kanya na andito ako para sa kanya? Na pwede niya akong maging karamay sa mga ganitong sitwasyon?

Nag-angat ito ng paningin saka pinilit ngumiti. "Ayos lang ako." saka itinaas ang kamay at ginulo ang buhok ko. "Wag ka ng mag-alala." saka tumayo na ito.

Ngunit bago ito makatayo ay hinawakan ko ang kamay nito dahilan para mapatigil ito.

"Kapag kelangan mo ng kausap, andito lang ako." wika ko rito sabay ngiti. "Tandaan mo, I'm your wife and I will always stay beside you no matter what." pagkasabi nun ay binitawan ko na ang kamay nito at nagpasya na ring tumayo. 

 "Una na ko sayo." paalam ko rito sabay kuha ng mga gamit sa lapag. Ngunit bago ako makaalis ay natigilan ako ng bigla ako nitong hilahin at yakapin. Nagkandahulog tuloy ang mga gamit ko.

Sa sobrang higpit ng yakap nito ay parang masu-suffocate na ko.

"Ah H-Harold..hindi ako makahinga.." wika ko ngunit nanatiling nakayakap ito sakin. Hindi ito nagsasalita ngunit parang ramdam ko ang bigat na dinadala niya. Pero mas ramdam ko ngayong nahihirapan na kong huminga dahil sa yakap niya.

"H-Harold - - -"

"Cass, hindi ba ako karapat-dapat mahalin?"

O_____O

-------------

A/N:     Shockness! Magkakaroon na ba ng kaseryosohan itong si Harold towards Cassandra? :D I hope so! Pero paano na rin si Lei? Ipagpatuloy ang nasimulan guys. :P

Abangan. xD

(I'll update if I have time. Kaya't sa mga hindi pa rin tumitigil sa pagsubaybay nito, thanks you thank you!  :D)

-Bevs

Marriage at the Age of Sixteen! (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon