Akong bahala <3

4.4K 146 6
                                    

Harold's P.O.V

"CASS!!!" kanina pa ko sigaw ng sigaw habang itinututok ang flashlight sa daanan. Sh*t. Asan na ba siya?

"Cassandra!" tawag ko pa. Maya-maya'y may narinig akong yabag mula sa likuran ko kaya't agad akong napalingon. Sina Aldrade at Griffin pala. Kasama din nito si Brent, Cristoff at Frozen. Humahangos na tumingin ang mga ito sakin.

"Pre, tutulong kami sa paghahanap." humihingal na wika ni Cristoff.

Napatango nalang ako sa mga ito. Naghiwa-hiwalay kami ngunit nagpasya si Frozen na samahan ako. Galit man ay hindi na ko nakipagtalo pa rito. Ang mahalaga ay mahanap namin si Cassandra.

"Sorry pre."

"Hanapin nalang natin siya." at nagpatiuna na. "Cass!!"

Walang sumasagot. T@ng*ang yan.

Tanging echo lang ang naririnig namin. Sh*t talaga. Kinakabahan na ko. Baka mamaya'y napunta na siya sa Don't zone.

"Cass!" si Frozen naman ang sumisigaw.

Itinukod ko ang dalawang kamay sa tuhod ko at nanghihinang napahinto sa paglalakad. Parang nakonsensya ako bigla sa mga pinaggagawa ko sa kanya. Bakit ba masyado akong naging masungit sa kanya? Aish!

"Pre, may naririnig ka ba?" biglang nawika ni Frozen. Napatigil ito at parang may pinapakinggan.

"Ano yun?"

"Parang boses ni Cass! Tara, parang nasa banda roon!"

-------------- 

CASSANDRA'S P.O.V

"Tulungan niyo ko.." naiiyak na wika ko. Hindi ko napansing wala na palang lupa ang natapakan ko kaya't dumausdos ako pababa. Kanina pa ko sumisigaw ngunit mukhang walang nakakarinig sakin. Sino ba ang maghahanap sakin sa mga oras na to? Siguro yung mga ka-grupo ko ngunit baka hindi nila mapansin na nawawala ako. huhu..O baka si Frozen kasi magkasama kami. Magtataka yun kung malalaman niyang wala pa ko sa tent.

Biglang naisip ko si Harold. Hinahanap niya kaya ako ngayon?  

Parang biglang bumigat ang dibdib ko sa isiping iyon. Malamang na hindi. Pano niya naman malalaman eh hindi naman kami magka-grupo. Tsaka, wala naman siyang pakialam sakin. Hmp.

Wala na akong pag-asa. Baka dito nalang ang kapalaran ko. huhu..Hanggang dito nalang ba ang buhay ko? Dire-diretsong pumatak ang luha ko.

"Cass?"

Napatigil ako sa pag-iyak. May tumatawag sa pangalan ko.

"Cass, answer me! Nasan ka?"

"H-Harold?" Hindi ba ko nabibingi? Boses ni Harold ang naririnig ko.

 Baka naghahallucinate na ko?

"Cass?" tawag ulit ng boses.

"Harold?" at ng marealize kong hindi ako nananaginip ay bigla akong napasigaw.

"Harold! Andito ako..tulungan mo ko!" sigaw ko. Malapit ng bumigay ang kamay ko sa paghawak sa ugat ng isang puno. 

"Cass?" rinig ko mula sa itaas kaya't napatingala ako at nakita ko ang bulto ng isang lalaki. Madilim man ay tiyak kong si Harold yun. May hawak itong flashlight at nakatuon sa akin.

"Hwag kang bibitaw!" wika nito at agad na lumuhod para abutin ang kamay ko. Pilit ko namang itinaas ang isa kong kamay ngunit...

*ekkkkk...*

Biglang nanlaki ang mata ko. Rinig ko ang tunog na nanggaling sa nahahawakan ko. Malapit na itong bumigay.

Hindi ko napigilang mapaiyak. Ayoko pang mamatay!

Marriage at the Age of Sixteen! (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon