BRITNEY

5K 155 19
                                    


DALE's P.O.V


"So, when do you plan to introduce your girlfriend? I guess you had a lot, son," pilyang ngumiti ito.


"Mom, what are you talking about? Wala. I simply have no one to introduce..." Yet. Gustuhin ko man ay hindi ko siya maaaring ipakilala.


Tumaas ang kilay ni Mommy sa sinabi ko." Are you saying na walang nagkakagusto sayo? Sa napaka-gwapo kong anak?? Goodness! I'm pretty sure, maraming nagkakandarapa sayo. Wala ka bang mapili sa kanila?" tanong nito.

I just smiled.

"Tell me if you want a girlfriend. Marami akong kakilala. Actually, one of my friends asked me if I can set a date for her daughter. I told her that I need your approval first. What do you think, son?"


Ipinatong ko ang hawak na baso sa mesa at nilapitan ito. "I'm not that desperate to have a girlfriend, Mom. Actually," saka inakbayan ito saka nilapit ang bibig sa tenga nito, "I already found the girl I like."


"Really??" gulat na wika nito.


Nakangiting tumango-tango ako dito. "Just wait a little bit, you'll meet her soon."


"Hmmm...Okay, fine. But promise me, If you still don't have any girlfriend, I'll set you up for a blind date. Understood?"


Natatawang napailing nalang ako. "Everything has a condition. You never changed, Mom."


*******

CASSANDRA's P.O.V


"Where's Britz?" tanong ko kay Bella ng mapansing nag-iisa itong kumakain sa canteen.


"Di ba nagtext sayo? Aabsent daw siya ngayon. Masakit daw ulo niya."


"Ah ganun ba. Di ko na-check yung phone ko eh," sabi ko saka tumabi dito at kinuha ang phone sa bag. Napapadalas ata ang pag-absent nitong si Britz. Kahit sabihing tapos na ang finals, importante pa din ang attendance noh. May sakit ba talaga yun? Hmmm...


"You know what, nagiging mysterious na 'tong si Britz. Aside from going home early , lagi nalang siyang umaabsent. May problema kaya sa kanila?"


I agree. Kahit ako eh nagtataka din sa mga ikinikilos ni Britney these past few days. "Wala ba siyang nababanggit na kahit ano? Boyfriend or other stuffs?" Kasi kung hindi boyfriend/lalaki, family or company business lang ang maaaring problemahin nun. At isa pa, hindi si Britz yung tipong nagseseryoso sa isang problema. Happy-go-lucky yun eh.


"Wala nga eh. Hayyss... let's wait for her call nalang. Huwag daw tayong tatawag sa kanya eh. Tara na friend, pasok na tayo."


**********

BRITNEY's P.O.V


Maghapon lang akong nakahiga sa kama at walang ibang ginawa kundi ang matulog. Hindi ako pumasok sa school ngayon dahil masama ang pakiramdam ko. Actually, uminom kami kagabi pero hindi iyon ang dahilan kung bakit masakit ang ulo ko, kundi dahil sa nangyari.

Marriage at the Age of Sixteen! (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon