BRENT IS GOING---I should be there too.

6.2K 163 1
                                    

Cassandra's P.O.V

School.

"Shocks! OMG! As in OH. MY. GOD. !!! I can't believe this!" sigaw ni Bella na halos ay ikabingi ko. May nabasa kasi ito mula sa announcement board. 

Tinampal ko nga. Kahit kelan talaga, hindi marunong i-observe ang sign na 'Silence Please'. -_- 

"Aray! Ano ba Cass?!" hiyaw nito at hinimas-himas ang braso. 

"Gusto mong isubo ko sayo tong kamao ko?" nakataas ang kilay na wika ko. Aga-aga ang ingay.. 

"Oo nga, sobrang makasigaw 'tong si Bella. Parang walang bukas. Ano ba kasing nabasa mo dito...." at tiningnan din nito ang kaninang tinitingnan din ni Bella sa announcement board. 

"All fourth year students are hereby required to attend the field trip on Sunday." Nakita ko ang bigang pamimilog ng mata ni Britney habang binabasa nito ang nakadikit sa board. Sunday? Na-re-schedule pala. Akala ko this week na yun. Okey lang. Bahala sila."Attendance is a must." at bigla nitong natutop ang bibig nito.  

Tsk. Parang alam ko na naman ang mga gestures na naman yan eh. "Oh baket na naman? Akala ko ba hindi kayo sasama sa field trip na yan? " walang ganang tanong ko dito.  

Imbes na sagutin ako'y tuwang-tuwang napatingin ito kay Bella na ngumiti naman dito. Pagkatapos ay lumipat ang tingin sa akin. 

Tinaasan ko naman ito ng kilay. "Oh, ano?"  

Nagulat ako ng yugyugin ako nito. 

"KYAAAAAAAA!!!!!!! SASAMA KAMI!!"  

Nakisabay na rin si Bella sa pagsigaw.  

Shemay naman oo. Ano bang nangyayari sa mga kaibigan ko?? Ba't sila sigaw ng sigaw? 

"Ano ba?! Tigilan niyo nga yan!" sabay hawak sa ulo ng dalawa't pinag-umpog iyon. Sigurado ako, marami na tong bukol sa ulo. 

"Ouch!" sabay na nawika nito at napakamot sa kanya-kanyang mga ulo.  

"Ano bang meron sa nabasa niyo ha?" nakapameywang at nagtatakang tanong ko sa dalawa. 

Nagtinginan naman ito at biglang sumilay ang ngiti sa mga labi. 

Ugh! Kung hindi ko lang talaga ito mga kaibigan, dudukutin ko ang mga mata nito! Kaasar! Pangiti-ngiti! 

"Hay naku..bahala nga kayo dyan." at nagpasya na kong iwan ang dalawa. Andami ko pa kayang gagawin. 

Mabilis naman na sumabay ang dalawa sa akin at inakbayan ako ni Britney. "Friend, wala ka bang narinig sa binasa ko?"  

Narinig? Tumigil ako at lumingon dito. 

"Yung kanina? Malamang meron. Tingin mo sakin, bingi? Hayss..ano ba kasing meron dun?" takang tanong ko pa rin dito at nagpatuloy sa paglalakad. May gumugulo sa utak ko. 

Naramdaman kong umakbay sakin si Bella. "So, gets mo na kung bakit kami sumisigaw friend?" 

Umiling ako. Ano ba naman kasi yun? Tsaka pakialam ko kung required sumama sa field trip ang lahat ng fourth year? Sasama ba sila? Eh di okey. Tss.. 

Sabay na napa-roll naman ng mata sina Bella at Britney. 

"Hindi namin alam kung matalino ka talaga o tanga. Simpleng pang-unawa lang hindi mo naintindihan?!"  

Tinaliman ko ang titig sa dalawa at sabay na tinanggal ang mga braso na nakaakbay sa akin. 

"Hoy..alam niyo, tigil-tigilan niyo nga ang pang-aasar sakin ha? Marami akong pino-problema kaya pwede ba, wala na kong oras para sa mga yan!" at naunang naglakad sa dalawa. 

Sumunod naman ang mga ito sa akin at sabay na napapalo sa noo nito. "Goodness naman! ALL 4th year Cass! Kasama sila sa field trip natin! Kyaaa!!!" sigaw na naman ng dalawa. 

All 4th year? Field trip? Kasama? 

Parang biglang nagliwanag ang pag-iisip ko at hindi ko namalayang namilog ang mga mata ko. 

"IBIG SABIHN---?" at sabay na tumango ang dalawa. 

"WHAAAAATTT?!!!"

Agad kong binalikan ang bulletin board at binasa ang mga nakasulat dun. Maliwanag na kasama nga sila! Ibig sabihin, kasama rin si Harold?

*************** 

"Di ba dapat tayo lang na section A-1?" inis kong wika sa dalawa. Kumakain kami ngayon sa canteen ng favorite namin na fries. 

"Mas masaya pag marami.hehe" tatawa-tawang wika naman ni Bella. Hawak-hawak nito ang cellphone habang sinisipsip ang juice nito.Alam ko na kung ano ang ginagawa nito. 

"Ayan, na-like ko na yung post mo!" si Britney. Sabi ko na eh, nagpost na naman sa facebook. Grabe, kulang nalang ipangalandakan lahat ng pangyayari sa buhay nito eh. Parehas sila ni Bella. 

"Itigil niyo nga yan. Kumakain tayo eh." nakasimangot ko pa ring wika sa dalawa. 

"Ano ba kasing ikinaiinis mo dyan Cass?" at isinawsaw ang fries sa ketchup. 

"Sus, tinanong mo pa Britz. Malamang, kasi kasama si papa Harold. hihi.." pang-iinis pa nito sakin. 

"Oh, anong big deal dun?"

Napabuntung-hininga nalang ako. Big deal yun para sakin.

"Teka, All fourth year, so ibig sabihin, kasama din si Lei mo friend!" at nagtatalon sa tuwa si Britney.  

Lei? Oo nga noh.. Section A-2 si Lei ko. 

Natuwa naman ako sa isiping iyon. Sa tingin ko, mag-eenjoy din pala ako. 

"Oh nakangiti ka na. Haha..Don't worry friend. Mag-eenjoy tayo dun! I'm so egzoited! " ani Bella. 

********************* 

Harold's P.O.V.

"Sasama ba kayo sa field trip pre?" tanong ni Frozen habang umiinom ng C2. Nasa may garden kami kung saan malilim at may animang mesa. Naisipan naming dito tumambay dahil nasusura na kami sa loob ng room.

"Ako? syempre! Maraming chicks dun noh!" sigaw ni Aldrade habang tinitira ang Piattos. 

Tss.. field trip? Pambata lang yun. Di ako sasama. Bahala sila.

"Ikaw Brent, sasama ka?" tanong naman ni Griffin. Tiningnan ko naman ito na noo'y may hawak na libro at nakita kong ngumiti ito saka bahagyang tumango.

"Nakss...punta ka talaga pre? Akala ko ayaw mo?" wika ni Cristoff na sinisipsip ang juice nito. Oo nga, ayaw rin nito sa mga field trips, ba't bigla atang nagbago ang ihip ng hangin?

"Wala lang." maikling wika nito at ipinagpatuloy ang pagbuklat sa libro.

"Balita ko tayo yung magga-guide sa mga lower years ah. Sasama ba si Cass pare?" tanong ni Griffin na ikinahinto ko sa pagkain. Si Cassandra ba'ng tinutukoy nito? Wala namang nabanggit sakin ang babaeng yun.

"Ano?" paulit ko rito.

"Required ang lahat sumama." malamig na wika ni Brent na isinandal ang ulo sa upuan.

Required? So, ibig sabihin, sasama talaga si Cassandra. Matiim na tinitigan ko si Brent.Tss..kaya pala siya sasama.

"Ano pare, sama ka?" si Cristoff.

"Wag mong sabihing hindi?" ani Frozen. Kung sasama si Brent...hindi pwedeng maiwan ako. 

"Oo naman." bigla kong naisagot. Akala ba niya. 

"Yan! Buo ang barkada. Sige, ako ng bahala sa sasakyan natin. Ipapaalam ko nalang sa head na magha-hire tayo ng driver para sa barkada natin." wika ni Frozen.

"Geh." Saka tinitigan ulit si Brent na noo'y nakatitig rin pala sakin at mala-demonyong nakangiti.

May balak siyang masama, sigurado ako.

Marriage at the Age of Sixteen! (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon