Ba't ansaya?

5.8K 148 3
                                    

CASSANDRA'S P.O.V

"Paalis ka na?"

Napalingon ako sa nagsalita. Si Harold. May hawak itong tasa ng kape habang nakatingin sa akin. Nakasuot pa ito ng pantulog. Oo, nagsusuot yan ng pajama bago matulog. So base sa itsura niya ngayon, wala pa siyang balak pumasok.

"Ah..oo." mahinang wika ko at agad na ibinaba ang paningin. Nahihiya ako dahil sa nangyari kagabi. I made him worried again!... CHOZ.  syempre joke lang yun guys. What I mean is, naabala ko na naman siya kagabi. Yun lang yun.

"Okay."

"S-sige." paalam ko rito saka humakbang na palabas. Ngunit bago ako tuluyang makalabas ay tinawag na naman ako nito kaya't napalingon ulit ako. "Baket?"

Nakatingin lang ito sakin.

Ano kayang problema nito?

"Yes?" pag-uulit ko.

Instead of looking at me, he stared on the floor. "Just...."

Inantay ko ang kasunod na sasabihin nito ngunit mukhang nabitin sa ere.

"Just..."

Napakunot ang noo ko. "Huh?" 

Nagtaas ito ng paningin bago nagsalita.

"Just...take care." anito sa seryosong mukha saka agad na tumalikod sakin.

"Ah okay." wala sa loob na nasabi ko. Ngunit ng makarating ako sa may gate ay parang nagsisink-in palang sa utak ko ang sinabi nito.

"Just...take care."

Napatigil ako sa paglalakad. T-take care?? Biglang namilog ang mga mata ko. Did he really said that?? TO ME?? 

--------------------

HAROLD'S P.O.V

"Just...take care." wika ko kay Cassandra saka mabilis na tumalikod.

I heard her say, "okay" and based on her voice, she sounds normal.

Pero...naman! Ano ba'ng sinabi ko? Aish! Kainis! 

Mabilis na inubos ko ang kape ko bago umakyat sa kwarto. Maliligo na ko. Baka ma-late pa ako sa klase eh. Tsk. Hindi naman naglipat sandali ay nakapag-ayos na ko kaya't nagdrive na ko papuntang school. I was on my way to the parking area ng biglang magvibrate ang cellphone ko.

"Hello?" sagot ko rito.

"Apo!"

Si Gran pala. Pinasaya ko ang boses ko. "Hi Gran! Kayo pala. Why did you call?" 

"I just wanna remind you of your parent's anniversary. I hope that the two of you would come, okay?"

Anniversary nga pala nina Mommy this week. 

"Yes Gran, we'll be there."

"Okay grandson. Pakikumusta kay Cass huh?Bye."

"Yep Gran. Bye." At pinatay ko na ang cellphone ko. Bago bumaba ay napabuntunghininga ako. Would it be another show for us?

------------------

CASSANDRA'S P.O.V

Hanggang makarating sa classroom ay nakaplaster ang ngiti sa mga labi ko. It's a great morning! hihi..

"Naks, good mood ang lola mo! Baket friend, anong meron?" kumikinang ang matang usisa ni Bella sakin. Lumapit ito sa may upuan ko para maki-chismis. As usual, nakangiti na naman ito na parang aso. Or should I say, nakangisi. Lagi naman.

Marriage at the Age of Sixteen! (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon