NOT AGAIN.

3.7K 135 5
                                    

CASSANDRA's P.O.V


"Harold... I'm---" 


Naputol ang sasabihin ko dahil agad itong bumaba ng kotse saka walang lingon-likod na iniwan ako at nagtungo sa loob ng bahay.


Medyo naluluhang bumaba nalang din ako ng sasakyan para sundan ito. Grabe siya. Mabigat ang mga hakbang na nagtungo na din ako sa kwarto at nagpalit ng damit.


Give him time Cass. Saka mo na siya kausapin pag lumamig na ang ulo niya.

Hmmm... Siguro nga. I think... its not yet time for us to talk.


Dahan-dahan akong naupo sa kama saka pinunasan ang medyo basang buhok gamit ang towel. Sinubukan kong huwag munang isipin ang nangyari ngunit di ko pa rin talaga maiwasan. 


"Sobrang sama ba ng ginawa ko?" naisatinig na tanong ko sa sarili.


Maliban kase sa mga sinabi nito na "Why are you with him?" at "Sakay sa kotse", wala na akong ibang narinig na mga salita buhat dito.


"AISHH!"


Inis na naibato ko ang hawak na towel sa sahig. Naramdaman kong parang maiiyak na naman ako kaya't agad kong pinunasan ang mga mata. Ganun ba siya kagalit dahil sa nakita niyang magkasama kami ng Storm na yun? Ayaw niya bang marinig ang dahilan kung bakit magkasama kami? Bakit ayaw niya man lang akong pakinggan?! KAINIS!!!


Inayos ko ang sarili sabay tinungo ang pinto saka mabilis na pinuntahan ang kwarto nito. Sa ayaw at sa gusto niya ay magpapaliwanag ako! 


Kakatok na sana ako ngunit nagdadalawang-isip na nabitin sa ere ang kamay ko. Tama ba 'tong gagawin ko? Pano kung mas magalit pa siya sakin? 


Aist. Naipikit ko ang mga mata ko saka frustrated na naibaba nalang ang kamay. Fine. Later nalang. 


Akmang babalik na ako sa kwarto ng biglang bumukas ang pintuan. Parang natuod naman ito pagkakita sakin ngunit agad ding nakabawi.


"Ah... Ahm..." shets, anong sasabihin ko? Teka... ba't ganyan ang ekspresyon ng mukha niya? Mabilis na napaiwas ako ng tingin dito. Waaaa!!! Ba't ang blank ng expression niya? Nasiraan na ba siya ng bait? Jusko wag naman po sana!


Nabigla ako ng humakbang ito palapit sa akin kaya't medyo napaatras ako.


W-Wait... OMG...


"H-Harold---"  


Naramdaman ko nalang ang pagkabig nito sakin sabay yakap. Tulalang nanatili lang ako sa pagkakatayo. W-What's happening?


Magsasalita sana ako ngunit mas lalong humigpit ang yakap nito sakin. Since matangkad siya at hanggang balikat niya lang ako ay amoy na amoy ko ang pabango nito. Shemay naman oo, ba't ang bango-bango nito? Nawawala tuloy ang inis ko! Asarrr.

Pero teka lang, anlakas ng tibok ng puso niya. I can feel it. 


"I apologize Cass. For overreacting and for not listening to whatever reasons you have. I'm sorry. It's just that..." at narinig ko ang pagsigok nito. Hala, u-umiiyak ba siya?


"... I'm afraid to lose you. I can't afford to lose someone I love... I-I'm sorry." 


Natigilan ako sa sinabi nito. 


"Not again Cass. Not again."


Parang may kumurot sa puso ko sa sinabi nito. Not again. Mariing naipikit ko ang mga mata. I get it. He's referring to his past relationship.  Takot siyang baka matulad kami sa nangyari sa kanila ni Stef. 


Nalungkot man ako sa isiping iyon ay pinilit kong pasayahin ang sarili.  I patted his back saka dahan-dahang iniharap ito sakin. Tumutulo pa rin ang luha nito kaya't pinahid ko iyon saka ngumiti dito. "Gosh, nahawa ka na sakin oh. Iyakin ka na din." saka tumawa. "Hinding-hindi ako mawawala sayo noh. I already told you, anuman ang mangyari, I'll remain by your side. I promise."


Despite of his tears, nagawa din nitong suklian ang ngiti ko. Hinagkan nito ang noo ko saka niyakap ulit ako.


"I love you, Cass." 



Hindi ko namalayang tumulo na din pala ang luha ko.



I love you more, Harold. 



*****

Marriage at the Age of Sixteen! (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon