Dad's Favor

3K 86 37
                                    

HAROLD's P.O.V


"Are you freaking serious Dad?"


"Do me a favor, son."


Napailing-iling ako. F*ck. Kasalukuyang nasa office niya ako ngayon and we're talking about something ridiculous. Akala ko'y tungkol sa business ang pag-uusapan namin, nagkamali pala ako.


"What are you planning all this time?" Napabuga ako ng hangin. "Are you kidding me?" hindi na maipinta ang mukha ko habang sinasabi ang mga kataga.


"We need their company Harold. This is pure business. They said if you will meet their daughter, they will  consider our proposal. It's just a date," straight ang mukhang sabi nito.


Parang sumakit ang ulo ko sa sinabi nito. "Pure business. Dad, can you hear yourself? I'm already married!" Hindi ko na maiwasang mapataas ang boses. Heck. He want me to meet Stef? The hell.


"Harold ---"


"I won't do that. I can't help you. I'm sorry." Saka tinalikuran ito. 


Imbes na makipagkita kina Brent ay minabuti ko nalang uminom mag-isa. Nagdahilan nalang ako na may pinapagawa si Dad kaya't di ako makakasama sa kanila.


Konti pa lang naman ang mga tao sa Viner Bar dahil bandang hapon pa lang. Minabuti kong umupo sa medyo tago para walang makapansin sa akin. Gulung-gulo ang utak ko sa nangyaring pag-uusap namin ni Dad kanina.


Habang umiinom ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga sinabi nito.  


"I know, there's a history between the two of you. But son, it's just a date. Nothing else."


Parang gusto kong basagin ang hawak na baso sa sobrang galit. How could he do that? Is he insane? Is he really that desperate to get the approval of that sh*t proposal? T*ng-#na. May-asawa na ko. Mahirap bang intindihin yun?


Parang gustong sumabog ng dibdib ko lalo na nung sabihin nito na hindi malalaman ni Cass ang tungkol sa bagay na iyon. The mere thought that I will meet my ex without Cass' knowledge, parang sumasakit ang puso ko. That's cheating! Madrama na kung madrama pero hindi ko kayang manloko ng babae. Lalo na kung ang babaeng yun ay si Cass.


Napatigil ako sa pag-inom ng may umupo sa tapat ng kinauupuan ko. Pag-angat ko ng paningin ay nakita ko ang mukha ni Stef.


Palihim na napamura ako pagkakita dito. "What are you doing here?"


Matipid na ngumiti lang ito sakin saka ininom ang laman ng hawak nitong baso.


"I'm asking you. Sinusundan mo ba ako?"


"Hmm...Nope. it just happened I saw you here. We've been here before, right?" at luminga-linga ito sa paligid. Hindi alintana ang inis na nakabadha sa mukha ko. 

Marriage at the Age of Sixteen! (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon