Yes, as in...

4.4K 144 10
                                    


CASSANDRA'S P.O.V

"Friend!"


"Oh?" tamad na sagot ko. As usual, hyper na hyper ang loka.


Umupo si Bella sa harap ko at pinaliit ang mata. Ganyan yan kapag gustong malaman ang nasa utak ko. Pinapaandar ang "innate powers" niya daw.


"Hmmm...base sa analysis ko..."


"Tigilan mo nga yan." sabi ko dito at kinuha ang straw saka in-stir yung iniinom kong juice. Nakakamiss din pala yung impakto ay este si Harold. Gusto ko na siyang pansinin pero nangunguna pa kasi yung pride ko. KAASARRR!!! Ba't ba kasi nauso yang pride na yan?


"Friend, natatapon na yung juice oh." Nakita ko ngang basa na yung mesa. Potek! Kumuha ako ng tissue saka inilagay dun. Haaayyyy....


"What's wrong with you my friend? Masyado naman atang seryoso yang iniisip mo. Hindi pa rin kayo okay?" Naikwento ko kasi sa kanila yung about nga sa nangyari samin. Umiling ako. Kung okay kami eh di sana di ako nag-eemote ngayon.


"Akala ko ba nag-sorry na siya sayo? Ba't di pa kayo okay?"


Hindi ako kumibo.


"Gusto mo ako na kumausap sa kanya?" pilyang ngiti nito. Bumibilog-bilog pa ang mga mata.


"Wag na. Ayos lang." Baka mamaya kung ano-ano pang sabihin niya dun. "Teka, asan nga pala si Britz?"


"Ah, nauna na. May pupuntahan daw siya eh. Kainis. Parang may boyfriend na ata yun..." malungkot na sabi nito. Boyfriend? Sila na kaya ulit ni Shin?


"Tingin ko sasabihin niya naman satin kung meron na di ba. Ikaw ba, kamusta love life?"


Uminom muna ito ng juice bago nagsalita. Parang gusto nitong basagin ang baso dahil sa sobrang higpit ng hawak nito. "Same story. May ka-blind date na naman ako next week." at napabuntung-hininga ito.


Every week nalang laging may ka-blind date tong si Bella. Yung Mommy niya ang humahanap ng makaka-blind date niya. Agreement kasi nila yun. Nakakapagtaka nga kasi hanggang ngayon, wala pa din itong nagiging boyfriend. Tsk. Tsk. Pihikan din kasi. Ayaw lang ng basta mayaman, gusto yung package na. Eh san ba siya makakahanap dun? Guni-guni lang kasi ang tawag dun noh.


"Hindi ka ba napapagod sa ganyan?" Kung tutuusin kasi, pwede naman siya umayaw. Kaya nga lang may consequence.


"Napapagod syempre. Pero eto ang pinakamagandang gawin. Kesa naman i-arrange marriage nila ako." saka natakpan ang bibig at napatingin sakin. "I'm sorry friend."


"De, okay lang... Hmmm...not bad. At least in that way, maaaring makahanap ka ng gusto mo. Just obey your parents." mahinang sabi ko nalang dito. "Ahmm..may sundo ka ba?"


"Meron friend, gusto mo sumabay?" malungkot pa din yung boses niya.


Marriage at the Age of Sixteen! (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon