Dale with my friends

5.6K 141 0
                                    

CASSANDRA'S P.O.V

"Hey friend, kain tayo sa canteen." aya nung dalawa sakin. Kakatapos lang kase ng last subject namin at tamang-tama lang ang pag-aaya nito. Uwian na rin kasi. Grabe, nakakaubos ng energy yung pakikinig sa history class namin. Ewan ko, i just hate history. Sabi naman nila, magandang pag-aralan ang history dahil: History repeats itself. Aish. So what?

Inayos ko muna ang gamit ko bago tumayo. "Tara." Parang gusto kong kumain ng...

"Oy Britz, eto yung way papuntang canteen. Uuwi ka na?" takang tanong ni Bella dito.

Napatingin naman ako kay Britz na nauuna samin. Papunta nga ito sa may direksyon ng school gate. 

"Oo nga. San ka pupunta Britz? Nagkaroon ka na ba ng Alzheimer's disease para makalimutan ang way papuntang canteen?" i kidded. 

She just lazily rolled her eyes. 

"Nah..Let's go out. Ayoko na ng mga pagkain dyan sa canteen." she said and continue walking.

Parang mabilis naman sa alas-kwatrong lumapit dito si Bella."Out? Sige friend! maiba naman tayo. hihi..San tayo pupunta?" ngiting-ngiting wika nito. She's smiling ear to ear.

"Basta sa labas."

"May secret passage na naman ba tayong dadaanan?" ani Bella. Nasa likod lang nila ko at sinusundan sila. 

"Anong secret passage? Wala noh." ani Britney. 

"Ai ano ba yan." inis na wika ni Bella sabay tigil sa paglalakad. "Sa canteen nalang tayo." nakasimangot na wika nito at animo'y babalik.

"Aish naman Bella. Tara na." pagpapabalik ko dito at hinawakan ang braso. "Alam mo namang masyadong adventurous etong kaibigan natin di ba? Makisama nalang tayo. hehe.. malay mo may gwapo."

Pagkarinig sa gwapo ay namilog na naman ang mata nito. "Gwapo? Haha..Sige sige! San ba yun Britz? Malayo ba dito sa school?"

"Pag talaga may gwapo ang bilis mo Bella ano?" nakatawang wika naman ni Britz.

"Psh. You don't care! Porke't ba may Shin ka na? Tsk. Tsk. Grabe, you never told na nagkaroon ka pala ng ganung ex. Ang waffuuu ng langya!"

Sinamaan naman ito ng tingin ni Britney. "Shut up Bella." 

As I heard the name Shin, parang may biglang sumundot sa utak ko. Sumabay ako sa paglalakad ng dalawa at pasimpleng nakisabay sa usapan.

"Oo nga Britz, bakit hindi mo man lang pala nakwento samin si Shin?"  

As far as I can see, parang nagtagal sina Shin at Britz. Hmmm...Ano kayang nangyari sa kanilang dalawa? And how about Lei, close din kaya sila ni Shin?

"H-ha? Haha..Mga adik kayo." sabay hampas sa balikat naming dalawa. "Ex ko na yun kaya dapat ng kalimutan." wika nito saka pilit ngumiti. "Wag niyo na syang babanggitin okay?"

Ngunit parang ayaw paawat ni Bella. 

"Hmm..pero hindi naman lahat ng ex dapat kakalimutan ah?" wika ni Bella saka tinitigan ng masama si Britney. "Don't tell me..." at pinasingkit ang mata sabay ngiti ng mapang-asar.

Lumingon naman dito si Britz. "What? Na hindi pa ako moved-on? Haha..That's a joke? Nakakatawa Bella."

"Did I said those words? Tsk. San pa nga ba nahuhuli ang isda kundi sa bibig? Oopss.." at kunwari'y tinakpan ni Bella ang bibig.

"Hindi ka titigil?" parang asar na wika naman ni Britz. Tumigil pa talaga ito at namewang sa harap ni Bella. 

"That's the truth naman kasi diba?" ani Bella naman na papatulan pa talaga ang pagkaasaar ni Britz. 

Marriage at the Age of Sixteen! (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon