STEFANIE MIKAELA FONTIELA

7.8K 162 2
                                    

CHAPTER 10

-STEFANIE MIKAELA FONTIELA-

FLASHBACK.

Nasa parke kame ng grupo nung mga oras na yun at naglalaro ng basketball. Hindi sinasadya’y nakawala ang bola at napunta sa di-kalayuan. Hinabol ko naman ito at pinulot ito ng isang babae. Isang magandang babae.

 

“Here,” nakangiting wika nito sabay abot ng bola.

Parang nalaglag naman ang panga ko pagkakita sa mukha niya. Parang may dyosa akong nakita.

 

“Hey!” she chuckled.

 

Nagising naman ako bigla. Aist. Napahiya ako dun ah!

 

“Ah…ah thanks.” Sabay kuha ng bola.

Tumalikod na ko para bumalik sa court pero parang hindi makagalaw ang mga paa ko. There’s something in me that I wanted to know her name.

I turned my back again and called her.

“Miss!”

 

“Yes?” sabay lingon saken nung babae. Masyado nang paulit-ulit pero ang ganda niya talaga. Napaka-sopistikada ang dating.

 

“Ahmmm…” Shet kinakabahan ako. At kelan pa ko nagkaroon ng ganitong pakiramdam?

 

Nag-aantay naman yung babae sa sasabihin ko. Nakangiti pa rin siya. What’s with her smile? It’s like….heaven.

 

“Ah… may I know your name? I’m Harold.”  Sabay abot nung kamay ko.

 

The girl smiled and walked away. Busted na agad ako??

 

“Hey Miss!” then followed her.

 

Lumingon ulit siya. “I know you already,” saka naglakad ulit.

 

Ows? Di nga? Pogi ko talaga!

 

Hinarangan ko ang daanan niya. “Really? Then, let me know your name.” Hindi maikakaila ang kasiyahan sa mukha ko. Inabot ko ulit yung kamay ko sa kanya.

 

Tiningnan niya ang kamay ko.

 

“I’m Stefanie Mikaela Fontiela. But just call me Stef.” Then she shook my hand.

 

Marriage at the Age of Sixteen! (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon