Eh kayo ba ni Stef, kamusta naman?

5K 145 3
                                    

CASSANDRA'S P.O.V

"Papasok na ko." paalam ko kay Harold na nasa mesa pa at kumakain ng breakfast. Tumingin lang ito sakin saka agad ding nagbaba ng paningin. Aishh..Ba't keuma-umaga ang sungit nito? Deadma ang beauty ko. Sinusumpong na naman ata.

"By the way, Mom and Dad arrived yesterday. Tinatanong kung bakit wala ka daw sa bahay." Hindi ko na nasabi sa kanya kagabi kasi gabing-gabi na ata siya umuwi. Ewan ko kung sang planeta siya nagpunta. 

"Umuwi na sila?" bulalas nito.

"Oo. Pero don't worry, pinagtakpan kita. So, eto ng pala, pasalubong daw satin. Oh." saka inihagis dito yung box na agad naman nitong sinalo.

"What's this?"

"Lucky charm daw yan for couples. Itago mo nalang. Sige, aalis na ko." Wala naman si Lala kaya't kanya-kanya kami ngayon. Tsaka ayoko ring sumabay sa kanya kasi baka may masabi ako about kay Stef. Hayy...Stef Stef Stef..ba't mo ba ginugulo ang utak ko?

"Geh, alis na ko." at akmang didiretso na sa pintuan ng tawagin ako nito. "Oh baket?"

"Sabay na tayo." saka agad na isinukbit nito ang bag saka nauna pang naglakad sakin. "Tara na."

Wait...teka lang. Anong magsasabay ang sinasabi nito? Hindi pwede!

Dali-dali akong bumuntot dito. "Hoy, hindi ako sasabay sayo. Magtataxi nalang ako." medyo natatarantang wika ko. Jusko naman, masyado pa namang matabil ang dila ko. 

"Ano bang pinagsasabi mo jan? tara na." masungit na wika nito at...

UY, HIMALA! PINAGBUKSAN AKO NG PINTUAN? AKALAIN NIYO YUN GUYS??

"T-Totoo ba to?" naisatinig ko.

"Totoo ang alin? Pasok na!" 

"Ha? OO oo! Papasok na!" at dali-dali akong pumasok sa kotse. Ito talagang lalaking to, masyadong moody! Di ko ma-gets ang ugali kahit kelan! Hmp. Buti nalang at napapagtyagaan ko pa to.

--------------

Kanina ko pa gustong magsalita pero pinipigilan ko ang sarili ko. Baka may maikwento pa ko dito. Inilabas ko nalang ang cellphone ko at nag-scroll scroll. 

"Ba't antahimik mo?" biglang rinig kong wika nito.

Napalingon naman agad ako dito. "Ha? W-wala naman." Ano ba'ng pakialam niya kung tahimik ako? Bakit, hindi siya sanay? Hmp. Ipinagpatuloy ko ang pagpindot-pindot sa screen ng cellphone ko. Oopss, makapag-facebook na nga lang. 

"That's good." dagdag pa nito.

Anong that's good?

"Anong sabi mo?" hindi maipinta ang mukhang harap ko dito. Good na hindi ako umiimik? Hah! Grabe! Kung alam niya lang, kanina pa nangangati tong dila ko.

 "Nothing."

Tsk.

Maya-maya'y nagsalita na naman ito.

"How are you and Lei?"

Nabigla ako ng banggitin nito ang pangalan ni Lei. "L-Lei? Okay naman kami.." malungkot ang boses na wika ko. Namiss ko tuloy si Lei. Antagal pa kasi ng uwi niya.

"Hindi ko siya nakikita this past few days. Pumapasok pa ba siya?"

"May leadership training sila. He told me na two weeks daw yun." 

"Are you sure?" sa himig ng boses nito ay parang may gusto itong ipahiwatig.

"Sure? Oo naman." sagot ko rito. Akala niya ba maaapektuhan ako? Malaki kaya ang tiwala ko kay Lei. Tsaka hindi ako nun magagawang ipagpalit sa kung kani-kanino noh.

"Eh kayo ba ni Stef, kamusta naman?" out of the blue na naitanong ko. And nang marealize ko yun ay agad kong natakpan ang bibig ko. OH MY, What did I say?

I was thinking na mag-oopen up ito sakin ngunit hindi eh. Hindi nito sinagot ang tanong ko bagkus ay tumingin lang ito saka dahan-dahang inilapit ang mukha sakin. I was caught off guard. Anong gagawin niya? Gushness!

"H-harold..." i said in weak voice. Parang bigla akong natulala ng magkasalubong ang mga mata namin. Yung mga mata na naman niya... Yung magaganda niyang mata.

Napapikit ako.

Parang...

"Hoy. Andito na tayo. Baba na." wika nito at binuksan ang pintuan.

Para naman akong binuhusan ng isang drum ng tubig na puno ng yelo. Ano ba'ng iniisip ko? Na he's going to kiss me? Arghh!

Ngunit bago tuluyang makalabas ay nagsalita pa ito. "Stop daydreaming." And saw his face grinning ear to ear.

AHH!!!

Naramdaman ko nalang ang pag-init ng pisngi ko. Waaa!!! Kahiya! Pagtingin ko sa pinto, pinagbuksan niya lang pala ako? UWAAA NAMAN! Hmp. My face is turning into a tomato na! 


Hindi na ako uuwi sa bahay mamaya!

********

Marriage at the Age of Sixteen! (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon