Brent: I called her.

6K 159 5
                                    

Harold's P.O.V

"Salamat pre." wika ko kay Brent ng makarating kami sa kotse.

Tinapik naman nito ang balikat ko. "Wala yun."

"Sige Cass, ingat kayo." baling nito kay Cassandra.

Ngumiti naman si Cassandra. "Thank you Brent."

Hinagod naman nito ang likod ni Cassandra. " Basta ikaw."

Hindi ko mapigilang maasar sa ikinikilos ni Brent kaya't pinagbuksan ko na ng pintuan si Cassandra.

"Sige pre, iuuwi ko na si Cassandra."

"Bye Cass." Kumaway naman si Cassandra mula sa loob. Binilisan ko namang umikot sa kabila para makaalis na sa lugar na iyon.

"Salamat ulit pare." at pumasok na ko sa sasakyan.

Tumango lang ito at inantay kaming makaalis.

Habang nasa daan ay pareho kaming walang kibo ni Cassandra. Walang may balak mag-umpisang magsalita.

Harold, ibaba ang pride. Kasalanan mo.

Hayyyss. Napabuntong-hininga muna ako bago nagkalakas loob magsalita.

"I'm sorry." napatingin kami sa isa't-isa dahil sabay kaming nagsalita.

"Sige ikaw muna," pagpapauna ko rito.

Parang nahiya naman ito. "hindi, ikaw muna."

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. "I'm sorry. Kasalanan ko."

"And...?"

Anong and? May kasunod pa ba dapat?

"Yun lang." tipid kong sagot at itinuon ang atensyon sa pagmamaneho.

"Harold.." tawag nito sakin.

"Oh?" lingon ko.

Napayuko ito. "I'm sorry. Alam kong ako ang mali kaya nangyari to. Kung hindi sana ako lumabas ng kotse, hindi ka mapapahamak..." at narinig ko ang paghikbi nito.

"Hey Cass. Okay lang. Sshh..stop crying." Ipinasya kong itabi muna ang kotse para aluin si Cassandra.

"Kung hindi lang sana ako nag-act na parang bata...kung.." at tuluyan na itong napaiyak.

Kinuha ko naman ang panyo ko sa bulsa at pinunasan ang mata nito.

"Okey lang yun. Ang importante, walang napahamak sa atin. Sige, matulog ka na muna." at pinaandar muli ang sasakyan.

"Thank you." mahinang sambit nito at marahang isinandal ang katawan sa upuan habang nakatingin sa labas ng bintana.

"No prob," hindi lumilingong wika ko.

Pagkalipas ng ilang minuto ay hindi ko maiwasang tingnan si Cassandra. Payapang natutulog ito habang nakasandal sa upuan, siguro dahil sa sobrang pagod. Parang may biglang sumundot sa konsensya ko pagkakita sa mukha nito. Aist..

This is all my fault. Kung hindi ko sana siya dinala sa lugar na iyon, sana hindi niya masasaksihan ang ganong pangyayari. "Such a dumb Harold. Ang selfish mo! "sigaw ng utak ko.

Nang makarating kami sa bahay ay ginising ko si Cassandra ngunit tulog-mantika rin pala ito.

"Cass.." at tinapik-tapik ko ang pisngi nito.

"Hmm.."

"Cass, andito na tayo."

"Hmm.."

Aist. Tinanggal ko ang seatbelt nito at ipinasyang buhatin nalang papasok sa bahay. Tutal hindi naman to gaanong mabigat.

Marriage at the Age of Sixteen! (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon