Savior

5.1K 136 3
                                    

--CHAPTER 27--

CASSANDRA'S P.O.V

"Ikaw?"

Yun lang ang namutawi sa labi ko ng makita ko ang mukha ni Harold.

"Mga gunggong! Bitawan niyo siya!" sigaw nito na hindi man lang pinansin ang sinabi ko.

Tss..snobber talaga kahit kelan! Hmp.

Napalingon naman ang mga mukhang goons dito.

"At sino ka naman bata?" tanong ni Mr. Big Eyes.

"Pakialam mo?" baling nito at mayabang na ngumisi sa mga goons.

Napa-roll nalang ako ng mata sa sinabi nito. GUSTO NIYA BA AKONG MAMATAY SA PAGSAGOT NIYA NG GANON??

"Aba't anlakas mong sumagot ah. Sige, turuan niyo ng leksyon yan!" wika ni Gory at hindi pa rin ako ibinababa mula sa pagkakabuhat. Siguro yung dugo ko, nasa ulo ko na lahat. -_-

Kahit hilo ay niangat ko ang paningin ko at nakita ko ang biglang pagsugod ng dalawang lalaki kay Harold.

"Oh my God....Harold! Ayan na sila!" pagsigaw ko. Kahit naman papano, konsensya ko pag may nangyari sa kanya. huhu..

"Wag kang maingay dyan kung gusto mo pang mabuhay!" wika naman ni Gory na muntikan na akong ihulog. Natahimik naman ako bigla at naiyukyok nalang ang ulo.

Lord..tulungan niyo po kami lalo na si Harold...

"Wala pala kayo eh!" dinig ko sa boses ni Harold kaya napaangat ako ng mukha. Bigla akong natuwa kaya't napasigaw ako.

"Go Harold! Kaya mo yan!!" pagchi-cheer ko. Nakita ko kasing napatumba nito ang dalawa. Grabe, ang galing niya!

"Sabi ng tumigil ka!" si Gory na noo'y parang nanggagalaiti na sa galit.

Haha..sige Harold, kaya mo yan! Isama mo pa tong si Gory.

Nang makatayo ang dalawa'y umamba na naman ito ng suntok kay Harold na nailagan naman ng huli.

"Go Harold!"

"Aww!!" habang sapo ko ang ulo ko. Binagsak lang naman ako ni Gory sa lupa at unang tumama ang ulo ko. Ansakit! Waaaa!! Isusumbong ko siya kay Mommy!

 Dumalo naman si Gory sa nagsasapakan kaya't bahagyang nagpanic ang utak ko. 

"Harold, kaya mo yan! Patumbahin mo sila lahat!" pagpapalakas ko ng loob kay Harold.

Kumindat naman sakin si Harold pagkasabi ko nun dahilan para masuntok ito sa mukha.

"Aww!" tumumba ito habang hawak ang kaliwang mata.

"H-harold, ok ka lang ba?!"  

 Tumingin ito sa akin at nag-ok sign. Pero hindi siya okay!

"Hoy Gory!" galit na tawag ko kay mamang gorilla.

Napalingon naman ito sakin. "Anong sabi mo?" habang pabalik na sa akin.

Nasapo ko naman ang bibig ko. Patay.

Palapit na sana ito sakin ngunit bigla itong natigilan ng may biglang nagsalita mula sa likuran.

"Hoy Balbon!"

Naningkit bigla ang mata ni Gory sa narinig at sabay kaming napalingon sa likuran.

"B-brent?" takang tanong ko. What is he doing here?

Paglingon ni Gory ay agad itong sinipa ni Brent dahilan para tumumba ito. Agad-agad naman itong tumakbo patungo sakin at tinulungan akong tumayo. 

"Okey ka lang ba ha?" at tiningnan nito kung may sugat ako sa katawan. 

"A-ayos lang ako. Tulungan mo si Harold." at pinilit itayo ang mga nananakit na paa. Sapo-sapo ko pa rin ang ulo ko dahil sa pagkakabagsak kanina.

"Sige, dito ka lang. Wag kang aalis." at tumalima na ito para harapin si Gory na noo'y nakita kong may hawak ng..kutsilyo?

O___O

OMG.

"At sino ka naman ugok?" wika ni Gory na nagniningas na ang mga mata sa sobrang galit. Pinaglaruan nito ang kutsilyo sa kamay nito na ikinapanindig ng balahibo ko. Papalapit na ito sa amin ni Brent..

"Kaibigan ko siya!" pasigaw na sagot ni Brent.

"Ah kaibigan.."tatango-tangong wika nito.

"Pwede ba, tigilan niyo na kami?!" sigaw naman ni Harold. Nahahawakan na ito nina Blacky at Mr. Big Eyes sa dalawang braso. Waaahhh! Katapusan na ba namin to? Hanggang dito nalang ba ang lahat? T___T

Hindi ko mapigilang panghinaan ng tuhod.

"At ikaw bata, sino ka naman?" tukoy nito kay Harold.

"Wala ka ng pakialam dun!" pasigaw na wika nito. OKEY! Tanggap ko na! Sige! mamamatay na talaga ako dahil sa mga sagot ng Harold na to! Waaa!!

"Ah ganon. Sige, magkasubukan na tayo!" at iwinasiwas nito ang kutsilyong hawak nito.

"Brent, mag-iingat ka!" naiiyak na sigaw ko.

Nakailag naman si Brent at nawalan ng panimbang si Gory kaya't napasubsob ito sa lupa.

"Ano, wala ka pala eh!" at inapakan ito ni Brent sa ulo dahilan para hindi na ito makagalaw. "Pakawalan niyo siya at hahayaan kong makaalis kayo ng buhay rito." tukoy nito kay Harold na nahahawakan ng dalawang bugok. Bugok? Napailing nalang ako.  What a term! Nahawaan na ko ng mga ugok na to. 

Hindi naman tumalima ang dalawa. Takot na napatingin ito kay Gory.  

"B-boss, ano?" kita sa mga mata nito ang pagkatakot.

"M-mga g-gunggong..p-pakawalan niyo na yan." hirap sa pagsasalitang nawika ni Gory. Agad namang pinakawalan nito si Harold.

"Mga duwag pala kayo eh!" wika ni Harold at agad na tinadyakan si Gory. Namilipit naman ito sa sakit. 

"Harold, tama na." awat ni Brent dito. Tinapunan nalang nito ng nakamamatay na tingin sina Gory na noo'y nakapatong ang mga kamay sa ulo.

Hindi ko namalayang nakalapit na pala sakin si Brent.

"Tara." at in-offer nito ang kamay sakin. Naiangat ko naman ang mukha ko at nagtama ang mga mata namin. Ngumiti ito sanhi para maibaba ko ang tingin ko.

"Alalayan ka na namin." at inilahad ulit nito ang palad sakin.

Nahihiyang inabot ko naman iyon at walang pag-aalinlangang ngumiti rito. "Salamat."

*************

Marriage at the Age of Sixteen! (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon