The Akbay thingy...

4.9K 144 3
                                    

CASSANDRA'S P.O.V

"Late na ko! Kainis!"

Patakbong tinahak ko ang hallway habang sipat-sipat ang relo. Kung bakit ba naman kasi nag-antay pa ko sa impaktong yun! Akala ko tulog pa, yun pala nauna na. Kung di ko pa binuksan ang pinto ng kwarto nito ay hindi ko malalamang wala na ito sa bahay. May special quiz pa naman kami ngayon. Grrr talaga.. nakuuu..

"Aw!" daing ko ng medyo natapilok ako. Bigla akong napapikit sa sobrang sakit pero ipinagpatuloy ko ang pagtakbo ng iika-ika. Hindi pa rin mawala ang pagkainis ko sa impakto. Kaasar talaga ang lalaking yun! Sabi niya kagabi mag-uusap kami. Lagot talaga siya sakin!

Sampung split nalang at mararating ko na ang classroom ngunit bigla akong napahinto ng makita ang impakto kasama ang barkada nito. Nakatalikod ang mga ito at nagtatawanan habang nakaupo sa bench sa gilid ng hallway. Wala ba silang pasok?

Eh pakialam mo kung di sila pumasok? You're late so hurry up!

Ay shems! Oo nga pala. Bibilisan ko na sana ang paglalakad ng maramdaman ko ang pagkirot ng paa ko. Aww shitness...

"Ang gaganda talaga nung mga chicks kagabi pre! Yung isa nga hiningi agad ang number ko. Tsk. Umaapaw talaga ang kagwapuhan ko." hindi sinasadyang rinig kong wika ni Aldrade. Habang hinihilot ko ang paa ay hindi ko maiwasang hindi mapataas ng kilay.Kahit kelan talaga, playboy to'ng si Aldrade.

"Haha..kaya pala bigla ka nalang nawala sa party. Anong ginawa niyo, ha?" si Griffin naman.

Teka, kasama sila sa party? Dahan-dahang napunta ang atensyon ko kay Harold. Nakaupo lang ito at nakikipagtawanan sa mga kaibigan nito. Kinagat ko ng madiin ang labi ko para pigilin ang inis. Mukha palang niya, umiinit na agad ang ulo ko. Nakuuu. At may nalalaman pa talaga siyang party-party huh. Habang ako, andun sa bahay nag-aantay sa kanya! Sabihin niyo nga, makatarungan ba yun?!

"Wag kayo mga dude, as usual si 'rold maraming umaligid kagabi. Di ba pre? Haha..May napili ka ba?" ani Frozen naman.

Hindi ko alam pero napatigil ako sa paghilot sa paa ko at curious na napatingin rito. N-Napili?

"Haha..ba't di ka makasagot bro? Sabihin mo na!" si Cristoff na noo'y parang batang binangga-bangga nito ang balikat ni Harold.

Parang pigil ang hiningang inantay ko din ang magiging sagot nito ngunit tanging "tss" lang ang narinig ko. Aish...walang kwenta.

Iika-ikang ipinagpatuloy ko ang paglalakad at hindi naman ako napansin ng mga ito ngunit bago makalayo ay narinig ko ang sinabi ni Brent.

"Ikaw pre ah... Anong pinag-usapan niyo kagabi ni Stef? Akala ko ba wala na kayo?"

Parang nag-freeze ang paligid.

Stef?

Parang nalilitong napahawak ako sa ulo ko.

A-Andun siya? At anong...nag-usap?

BRITNEY'S P.O.V

"Tama na nga kaka-half rice mo Bella! Pag lumobo ka, ewan ko nalang kung magustuhan ka pa ng crush mo." saway ko kay Bella ng makita kong umorder na naman ito ng kanin.

"Eee..hayaan mo na! Edi maghahanap nalang ako ng bagong crush. Eh sa hindi ako nagbreakfast kanina. May special meeting daw kasi sina Mommy kaya hindi nakapagluto ng almusal." at agad-agad itong naupo sabay subo.

Marriage at the Age of Sixteen! (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon