ROADTRIP

6.1K 177 8
                                    

CHAPTER 23

CASSANDRA'S P.OV.

"Dale?" pag-aaninag ko sa taong nakatayo sa labas ng gate.

"Yup." at ngumiti ito sakin. Nakasuot ito ng stripes na t-shirt at nakababa ang buhok nito. Ang gwapo niya sa suot niya. Halos lahat ng babaeng dumadaan ay sobra kung makatitig at parang naglalaway. Yuck. Kaderder. Pero hindi ko naman sila masisisi dahil gwapo talaga si Dale.

Ano kayang ginagawa nito dito sa school? 

"Anong ginagawa mo rito?" takang tanong ko.

"Binibisita ka." at ngumiti na naman ito. Lumabas tuloy ang mapuputi't pantay-pantay nitong ngipin. Sige, ikaw na gwapo Dale. "Bakit, ayaw mo?" dagdag pa nito at sumimangot.

"Hoy wala akong sinabing ganyan! Eto naman oh. " At nakangiting hinampas ito ng mahina sa braso.

"Hehe..Tara?" aya nito. 

"Where?"

"Basta." at hinila ako nito papunta sa kotse. Naiiling nalang akong nagpatianod dito at pumasok sa kotse pagbukas nito ng pintuan. Alam kong sinusundan ako ng mga tingin ng mga babae. Mainggit kayo! Bwahaha..

"San tayo punta?" tanong ko rito ng patakbuhin nito ang kotse.

"Roadtrip." at ngumiti na naman ito. He's always smiling. Hmm..Nakaka-good vibes naman tong si Dale. Pero roadtrip daw?

"Roadtrip? Really?" at nagkandabilog na naman ang mata ko. First time ko kayang mag-roadtrip kasama ang kaibigan noh. Sina Mommy kase KJ eh.

Tumango ito. Napapalakpak tuloy ako sa sobrang tuwa. Yay! Ang saya kaya magroadtrip. Igzoited na ko!

Pupunta daw kami sa may Antipolo para makasagap naman daw ako ng sariwang hangin. Tinanong ko siya kung pano niya nalaman ang daanan dun kase kakagaling niya lang ng States eh. Sabi naman niya'y nagtanong-tanong daw siya kaya ayun. Bumiyahe nga kami papunta sa Antipolo at habang nagda-drive ito'y binuksan ko ang radio para may music naman. Biglang tumugtog ang Treasure ni Bruno Mars.

"Favorite ko! Favorite ko!" at pinalakasan ang tugtog.

"Oooooooohhhhhh.... I know that you don't know it, but you're fine, so fine. Ooohhhhhhhh...." sabay ko sa kanta na may pasayaw-sayaw pa habang nakaupo. Natatawa naman akong tiningnan ni Dale pero ipinagpatuloy ko pa rin ang pagkanta.

"Treasure, that is what you are. Honey you're my golden star..." at ginawang microphone ang sarili kong kamay. Favorite ko talaga tong kantang to ni Bruno Mars. Iiihhh! 

"You're so cute." wika ni Dale sakin.

"I know." at tumawa dito. Nang matapos na ang kanta'y sumunod naman ang kanta ng We the Kings. Grabee. Ang galing talaga ng boses. Astig.

Mag-aalas singko na ng magpasya kaming itigil muna ang sasakyan. Pinatigil ko muna si Dale sa pagdadrive kase baka pagod na rin ito. Lumabas kami ng kotse at inabutan ako ni Dale ng coke in can. Actually, habang nasa byahe ay kumakain kami. Andami niya palang dalang pagkain. hehe

"Thanks." 

Ngumiti naman ito sakin. Naglakad ito papunta sa may malaking puno at syempre ,sinundan ko ito. Umupo ito sa isa sa mga ugat. Nang makita ako nito'y pinagpagan nito ang kabilang ugat at pinaupo  ako.

Marriage at the Age of Sixteen! (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon