Ayyiiee!!! Nag-aalala ba siya saken?

6.3K 175 7
                                    

CHAPTER 14

 --Ayyiiee!!! Nag-aalala ba siya saken?--

Cassandra's P.O.V

Aww... My head is pounding...

Kinapa-kapa ko ang side table ko para tingnan kung anong oras na. May nakapa naman ako.

Biglang nanlaki ang mga mata ko pagkakita dito.

O__O

12:30 na?! Sheet. May pasok pa ko ng 1:30! 

Napabalikwas agad ako saka tumayo mula sa pagkakahiga. Didiretso sana ako sa banyo para maligo ng mapagtanto kong parang ibang kwarto ata ang napasukan ko.

Wait, hindi ito ang kwarto ko ah? Ang natatandaan ko eh pink ang mga gamit ko. Bakit eto parang sky blue? Nagtransform bigla?

O__O

OMO! HINDI KAYA??....

Saka tiningnan ang sarili ko. May mga damit pa naman ako.

*RELIEVED*

 ^__^

Pero....tiningnan ko ulit.

O_O

IBANG DAMIT NA!!! Wahhh!!!! Nagpapanic na sana ako pero pinigil ko ang sumigaw. Pano kung kinidnap ako? Baka marinig nila ang sigaw ko. Wah!

Sampal sa sarili.

Shunga mo talaga Cassandra. Eh kung kinidnap ka, di sana nakagapos ka ngayon tsaka nakapiring. Tapos napapalibutan ka ng mga mukhang goons. Eh sa lagay mo ngayon, parang hayahay ka pa. 


Aishh..oo nga nuh.

Ano bang nangyari kagabi? Ang tanging naaalala ko lang eh pumunta ako ng bar. Uminom ako dahil.....

Dahil hindi natuloy ang date namen ni Lei.

Napasalampak ulit ako sa kama at parang papatak na naman ang luha ko. ANO BA TO! Agad akong humiga para bumalik ang nagbabadyang mga luha sa mata ko.

Paasa siya! Paasa! Habang hinahampas yung kama. 

Pero teka nga lang, tama na muna ang drama. Asan ba ko? Kaninong bahay to? At bakit ganito'ng damit ko? Wala naman sigurong nangyari saken diba?? Hindi naman siguro ako kinidnap noh?hehe..

Nasa malalim akong pag-iisip ng biglang bumukas ang pinto. Tumambad sakin ang mukha ni...

"Dale?" takang tanong ko dito. Akala ko'y  imahinasyon ko lang siya kagabi. Totoo pala? Anong ginagawa niya rito?

"Hey! Gising ka na pala!" bungad nito saken  na nakangiti. Omaygad. Ang gwapo niya! Siya ba ang kidnaper ko? lels. Lumapit ito saka inilahad ang kamay saken.

"Ha? Wait...Anong ginagawa ko rito??" taka ko pa ring tanong dito.

"Andito ka ngayon sa bahay namen." saka ngumiti na naman. Ba't ang hilig niyang ngumiti? Mas lalo siyang gumagwapo. ^___^

Pero, andito daw ako sa bahay nila? Nagitla ako kaya napatayo ako.

"Anong ginagawa ko----Aww.." saka napahawak ulit sa ulo ko. Buset! Eto na ba yung tinatawag nilang hang-over?

"Oh Cass..your head hurts?" saka inalalayan ako nitong umupo.

Tumango naman ako at sumunod dito.

"Ahm...bakit ba ako nandito? Saka bakit iba na ang damit ko? DON'T TELL ME...?!" saka tiningnan ito with bulging eyes. Yung titig na alam-mo-na-yun.

Natawa naman ito.

"No! Mali ka ng iniisip. Lasing na lasing ka kagabi that's why I brought you here. Suka ka ng suka and unfortunately, your dress got dirty. Pero hindi ako ang nagpalit sayo. Yaya did." nakangiting paliwanag nito.

Ahhh...yun pala yung nangyari. Kaya pala ganito na ang itsura--ITSURA?! Dali-dali akong napatakbo sa banyo at isinara ito.

"Hey Cass! Baket? Anything wrong?" nag-aalalang katok nito.

Wah! Ampanget ko ata! Tumingin ako sa salamin at nakita kong gulo-gulo nga ang buhok ko. Wah! Di man lang ako nakapagsuklay. T_T

"Cass, labas ka na. You're still beautiful. haha.."rinig kong tawa nito.

Alam niya yung nasa isip ko? Lokong Dale to ah. Saglit nga lang, nung nasa Paris kami magkanda-dugo-dugo yung ilong ko kaka-english, marunong pala siya mag-tagalog? Inayos ko ng onti yung sarili ko bago lumabas. Tinaliman ko yung titig ko sa kanya.

"Hoy! Marunong ka naman pala mag-tagalog, ba't mo ko laging ini-english nung nasa Paris tayo ha?!" hampas ko dito.

"Hey! Hey! I don't know that you can speak Filipino!" nakangiting sangga nito sa mga hampas ko.

"Heh!" saka tumigil sa paghampas dito.

"Tara, let's eat na!" pag-aaya nito.

Parang kumakalam na nga ang sikmura ko. Pero maalala ko, may pasok nga pala ako ng 1:30! Namannn...may exam kami ngayon kay Sir Lestrange. Ayokong bumagsak! Aisshh..Panira ng moment! 

"Sorry Dale pero may pasok ako ngayon. Some other time nalang huh?" saka nagmadaling hinablot ang bag ko. 

"Ei, hatid na kita." 

"huh?" ah eh..kung magpapahatid ako, baka mapabilis pa ang pag-uwi ko. 

"I'll drive you home. Kunin ko lang yung susi." hindi niya na ko pinasagot saka tumakbo ito papunta sa kabilang kwarto. 

Sumakay na kami sa kotse saka nagpahatid sa kanya. Ano pa nga ba? Mehehe..moment din to. Hoho

Maya-maya pa'y tinanong niya ako kung san daw ba parte yung bahay ko. Shet. Bahay? Di ba kasama ko si Harold sa bahay namin? Shemay! And speaking of Harold...

LAGOT AKO!!! Di ko siya natawagan kagabi. Baka nag-aalala na yun saken?! Baka tinawagan niya yung mga pulis para hanapin ako!

Namannnn Cassandra....assumera ka talaga. 


Oo nga pala, bakit naman siya mag-aalala eh wala naman palang pakialam yun saken? Tsk. Asawa niya lang naman ako at hindi niya ko mahal. Hmp. Tsaka hindi yun tatawag ng pulis para lang saken. Assumerang palaka talaga ako.

"Ahm..ano..ahmm.." ituturo ko ba? Lagot ako nito. Baka malaman niyang may asawa na ko.

Parang nag-aantay naman ng sagot si Dale kaya napagdesisyunan ko ng ituro sa kanya. Siguro naman okey lang tsaka hindi ko na naman siya papapasukin eh. Hayys.

"Liliko ka lang dyan tapos sa dulo na yung subdivision namen." sabi ko dito.

Lumiko nga siya at nakita ko na ang subdivision namin. Ipinasok niya na yung kotse sa gate at maya-maya pa'y nakarating na kami sa bahay. 

"Ahm Dale, dito nalang huh? Pasensya na di na kita mapapapasok. Thank you talaga! Bye!" saka dali-daling bumaba. Baka biglang lumabas si Harold lagot na kami. 

 "No problem Cass." saka ngumiti saken. Maya-maya pa'y pinaharurot niya na ang kotse.

Hayyyy..buti nalang di na siya nagpilit.

Since may susi naman ako, binuksan ko ang pinto sa gilid nung gate at pumasok. Dahan-dahan akong naglakad paakyat nang may bigla nalang humablot ng braso ko. Pagkaharap ko ay nasalubong ko ang madilim na mukha ni Harold. 

"WHERE HAVE YOU BEEN?!" sigaw ni Harold.

Nagulat ako dun ah. Parang mangangain siya. Wait lang, bakit siya galit?  AYIIIIEEEEEE!!! Nag-aalala ba siya saken??



Marriage at the Age of Sixteen! (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon