She's Sick and I'm... WORRIED?

7.7K 199 0
                                    

CHAPTER 16

She's Sick and I'm...WORRIED?

Cassandra's P.O.V

Pagkatapos lumabas ng kwarto ni Harold ay napagpasyahan kong matulog muli. Hindi pa rin natatanggal ang sakit ng katawan at ulo ko. Parang pinipiga. Ganito ata siguro kapag baguhan uminom. Tsk. Isinusumpa ko na ang alak! >_<

Maya-maya pa'y parang naramdaman kong may pumasok sa kwarto. Sigurado akong si Harold yun. Sinubukan kong imulat ang mga mata ko pero parang ayaw nitong magmulat. Parang ambigat-bigat ng talukap ko. Nakaramdam ako ng lamig kaya niyakap ko ang unan. Feeling ko magkakasakit ako. :(

"Hey! kakain na. Tayo na." rinig kong sabi nito. Kahit hindi ko siya nakikita, alam kong asar yung mukha niya.

I hugged my pillow tight dahil sa sobrang lamig.

"Baka gusto mo pang magpabuhat Cassandra? Tigil-tigilan mo ko." wika nito saka akmang tatalikod sakin. I tried to open my eyes.

"H-h-harold..." yun lang ang nasabi ko. Unti-unti ko ng naimumulat ang mga mata ko kaya nakikita ko na ang bulto ni Harold. Sheet na yan. Nahihilo ako. Blurry ang vision ko. 

"WHAT?!" lingon nito saken sabay sigaw. Grabe, lalaki ba talaga to?

"I-im..." at hindi ko na naipagpatuloy ang sasabihin ko 'coz it seems like i was dragged into the darkness. 

"Shit! Hey! Wake up!" ang mga huling salitang narinig ko.


Harold's P.O.V.

Niyugyog ko si Cassandra. Pambihira, ano bang nangyari dito?

What am I going to do? Tawagan ko sina Mom and Dad? O yung Mommy at Daddy niya kaya?

 Di-nial ko ang phone numbers nila pero wala ni isa man sa kanila ang ma-reach ang location. Anak naman ng tupa! San ba sila nagpunta? 

Kinapa ko ang leeg niya at naramdaman kong mainit siya. Nilalagnat pala ang babaeng to? Kaya pala kanina parang nanghihinang ewan. Bakit di man lang siya nagsabi?

Inayos ko ang pagkakahiga niya saka kumuha ng towel at binasa ito. Inilagay ko iyon sa may noo niya para masipsip ang init. Tsk. Buti nalang alam ko to.

Ano pa bang dapat kong gawin? Bukod sa paglalagay nung towel sa may noo niya eh wala na akong ibang alam. Pano ba to?

Tawagan ko kaya si Brent? Alam naman ata niya kung pano gawin to.

Di-nial ko ang number ni Brent at buti nalang, nag-ring ang phone nito.

"Pre!" sigaw ko dito. P*tcha. Natataranta ako.

"Oh ba't sumisigaw ka jan pre?"

"Sh*t. Ano bang ginagawa pag may lagnat?"

"Edi magpahinga ka."

"Tanga! Hindi ako. Si Cassandra kase may sakit. Ang init niya."

"What?! Dalhin mo na sa ospital pre." Parang nag-aalala din itong si Brent. 

Ospital? Pero hindi ko siya pwedeng dalhin dun. Baka may makakita samin. 

"Taena naman. Hindi pwede pare, alam mo naman kung bakit di ba? Nilagyan ko na ng towel yung noo niya, ano pa ba?" 

"Ahmm... punasan  mo yung katawan niya tapos palitan mo yung damit niya. Malamang basa na yan dahil sa pawis.  Painumin mo rin siya ng gamot. Tapos magpaluto ka ng makakain niya para paggising niya, may makakain siya." Oo nga pala, gamot!

Marriage at the Age of Sixteen! (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon