Her smile...

5.7K 171 7
                                    

Cassandra's P.O.V

Lunch time na daw kaya't pinababa na ang lahat papuntang dining room. Syempre, nauna muna akong lumabas ng kwarto bago si Harold. Baka kasi mamaya may makakita pa samin. Hayy..ang hirap pala talaga pag may itinatago nuh? Wala kang kalayaan. Psh.

Dumiretso ako sa dining room. Paano ako nakarating dun? Simple lang naman. Meron kasing parang map directory yung bahay kaya nahanap ko yung dining room. hehe..

Pagkarating ko ay bumungad sa akin ang mala Great Hall na dining room. Parang yung sa Hogwarts lang oh. May mga chandeliers na nakalambitin sa taas then may dalawang pahabang mesa na sa palagay ko'y made of mahogany. Ang kintab eh.  

Napansin ko ring hiwalay ang babae at lalaki sa hapag. Nakaupo na ang lahat maliban nalang sakin at sa mga nagse-serve.

Agad kong nakita ang mga barkada ni Harold at pakiramdam ko'y pinamulahan na naman ako ng mukha. Bwiset!

Biglang nag-angat ng paningin si Cristoff at nahagip ako ng mga mata nito. Nakita ko ang biglang pagkakaroon ng panunudyo sa mga mata nito. Kaynis! Hmp. Sunod-sunod naman na napatingin pa sakin sina Frozen, Griffin at Aldrade na gaya ni Cristoff ay umarko bigla ang mga bibig ng makita ako. Nang ibaling ko ang paningin ko kay Brent ay matipid na ngumiti ito sakin.  

Naiinis man ay gumanti ako ng ngiti rito. 

"Friend! Tabi tayo!" kaway sakin nina Bella at Britney sa gawing gitna ng mesa. 

Ngumiti naman ako rito bilang pagsang-ayon kaya't tinungo ko ang pwesto nito. 

"Dito ka dalii..We save a seat for you." ani Britney at ipinag-urong ako ng upuan sa pagitan nilang dalawa. 

"Thanks Britz."

"May chicka ka ba samin? Uyyyy...siguro marami?hihi..." ani Bella sakin. 

"Oo nga Bella, I'm so excited to know what's the...hmm..you know." at nag-apiran ang dalawa sa mismong harap ko. Napapagitnaan kasi ako nito.

"Ano bang pinagsasabi niyo? Walang development okay?" mahinang wika ko sa dalawa at tumingin sa ibang estudyanteng nasa mesa rin namin. 

Naramdaman ko ang pagkurot nito sa tagiliran ko. "Asus..kunwari ka pa! haha.." dagdag pa ni Bella. 

"Tumigil nga kayo dyan! Baka may makarinig sainyo." wika ko habang nagmamasid sa mga babaeng kanina pa tingin ng tingin sakin. 

Ano bang problema ng mga yun sakin?

"Basta don'f forget to share the happenings to us friend!" at sabay na kumindat pa ang dalawa sakin. 

Hayy..ewan.

Maya-maya pa'y nagkaroon muna ng prayer pagkatapos ay kumain na nga ang lahat. Luminga ako para tingnan kung dumating na ba si Harold ngunit wala pa ito sa tumpok nina Brent.  

Siguro tinamad na naman.. 

Bahala nga siya.

Tahimik ang lahat sa pagkain at ilang sandali pa'y nag-announce na naman si Miss.

"Guys, after this lunch, you can stroll outside but not on the outer core of this ground okay? Mag relax muna kayo so that tomorrow, may mga lakas kayo. Ok?"

Tuwang-tuwa namang sumang-ayon ang lahat kaya't pagkatapos kumain ay nagsipuntahan na ang mga ito sa kani-kanilang kwarto para magbihis. Ako? Eto, paakyat na rin sa kwarto. As much as possible, mas gusto kong mag stroll sa labas para makasagap ng sariwang hangin. Ayokong magkulong sa kwarto kasama si Harold noh. Speaking of, hindi siya kumain. Bakit kaya?

Marriage at the Age of Sixteen! (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon