The Pianist

888 13 1
                                    

BELLA's P.O.V

"Bella, naririnig mo ba kami?"

I don't know how long it took me to reply but I slowly nodded. Griffin is holding me. I saw him sighed in relief.

"Bella, why did you do that?! Alam mo namang hindi ka pwedeng lumangoy kapag lasing di ba. Are you okay?" pasigaw na sabi naman ni Cassandra, ngunit nasa tono nito ang pag-aalala.

I want to say: "Correction, friend. I'm not drunk. Nakainom lang," but I ended up saying "sorry" instead.

Dahan-dahan akong tumayo ngunit maagap na hinawakan ako ni Griffin sa balikat. "Let me help you."

Napatingin ako sa kamay nito at hindi ko maiwasang manginig. Shettt..

"Kaya mo ba?" tanong nito ng mapansing hindi ko maihakbang ang mga paa ko.

"Ah..o-" ngunit bigla nalang ako nitong binuhat. "Where should I take her, Cass?"

Mukhang nagulat din si Cass ngunit agad ding nakabawi. "Ah! Sa kwarto ko. Tara." Kung nasurprise si Cass sa ginawa ni Griffin, ano pa'ng mararamdaman ko??

"Pahinga ka muna, Bella," sabi ni Cristoff. Apologetic namang tumango ako dito pati na sa iba.

"Don't feel sorry about it. It's an accident," said Brent, smiling.

Dinala nga ako ni Griffin sa kwarto ni Cass at pagkalapag nito sakin ay nagpasalamat agad ako. I told him na okay na ako and Cass will accompany me. Hindi naman sa pinagtatabuyan ko siya, ayoko lang na magtagal pa ang pag-uusap namin. Ang gulo ko noh?

"If you need anything, sabihan niyo lang kami," ani Harold na noo'y sumabay pala sa amin paakyat.

"Thanks."

"Ako na ang bahala kay Bella. You may go."

"Tara bro."

"We're just downstairs," sabi ni Griffin saka tinungo na ang pinto.

Nang mawala na ang dalawa sa paningin namin ay bigla akong niyakap ng mahigpit ni Cass na parang pigil na pigil ang sariling sumigaw.

"Oi, anong problema mo?"

Kumawala ito sa pagkakayakap saka nagwawalang humiga sa kama. Lasing ba to?

"Oi Cassandra. Nasapian ka ba?"

Tumayo ito saka humarap sa akin. Her eyes is dreamy, yet she's grinning. "I'm so happy for you, friend."

"What?"

"Kinikilig ako kanina pa! Oh my!" saka nagwawalang nagpabiling-biling ulit ito sa kama. "I never expect na mangyayari ito ngayong gabi friend. Kelangan malaman ito ni Britz!" saka dali-daling kinuha ang phone. Ngunit bago pa ito makatawag ay inagaw ko iyon dito.

Nagtatanong ang mga matang tumingin ito sakin.

"This is just nonsense, Cass."

She froze for a minute. "Nonsense? Why? What happened?" Awtomatikong nawala ang sigla sa mukha nito.

Malungkot na ngumiti ako dito. "Hindi kami magka-level Cass. Alam mo naman yun di ba. Tsaka, I decided na layuan na siya. Masakit umasa noh."

Sabi nga nila, hangga't maaga pa, mas makabubuting alisin mo na ang nararamdaman mo sa isang tao na sa una palang ay alam mo ng hindi masusuklian ang pagmamahal mo. Hindi cowardice yun, self-love ang tawag dun.

Seryoso ang mukhang nakatingin lang ito sakin kaya nagpatuloy ako.

"Yeah, it's about that Fria. Ex na nga siya ni Griffin but I can't help it. I saw them. I was crazy for following him that day. Hindi ko alam na masasaktan lang ako sa makikita ko," saka natawa. "They just had a conversation but it's painful looking at him. Cristoff's might be right. He's not yet over her. Shett..ano ba kasi yan, naiiyak na naman tuloy ako," saka pilit na tumawa.

Cass wiped my tears kaya hindi ko na napigilang mapaiyak.

"Hindi ko naman sinasadyang ma-fall sa kanya. It's just that...lahat ng standards na gusto ko sa lalaki, nasa kanya na. But I know...I know, someone out there is set for me."

Niyakap nalang ako ni Cass bilang tugon.

Parang medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil at least, may napagsabihan ako ng nararamdaman ko. But... kaya ko ba talaga siyang kalimutan?

CASSANDRA's P.O.V

School.

Breaktime kaya naglakad-lakad ako. Gusto kong makapag-isip ng maayos. Marami akong gagawin kaya kailangan kong pag-isipan pano ima-manage ang time ko. Mahina pa naman ako sa time management. Hah!

Dahan-dahan lang ako sa paglalakad ng may marinig akong pamilyar na tunog. Tumingin ako both sides at napagtantong music room pala ang nasa kaliwang pintuan. Curious na lumapit ako dito saka maingat na binuksan ang pinto. Walang ibang tao maliban sa nakaupo sa harap nung piano.

Nakatalikod ito habang tumutugtog at parang ramdam na ramdam ang ginagawa. Hindi ko tuloy maiwasang mapasandal habang pinapanuod ito. I remembered someone...

"K-Kanina ka pa?"

Napamulat ako ng mata sa narinig. "Ikaw...yung tumutugtog?"

"Hindi," mabilis na sagot nito saka tumalikod na.

Nakakapanibago ata siya.

"Storm, wait!" sigaw ko saka hinabol ito.

Tumigil naman agad ito saka lumingon. "Baket?"

"Ahmmm..anong piece yung tinutugtog mo kanina?" I know that piece, hindi ko lang matandaan kung saan ko siya narinig.

"Ba't mo tinatanong?"

"Psh..masama ba magtanong?" pabulong ngunit parang narinig nito iyon. 

"It's an original composition," saka iniwan na ako.


Nagtatakang hinabol ko ito ng tingin. Original composition? How come? Ba't pamilyar sa akin?

- - - - - -

Marriage at the Age of Sixteen! (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon