Not the first time.

5K 125 53
                                    


CASSANDRA's P.O.V


"So ako lang pala ang hindi nakakaalam?" may himig ng pagtatampo sa boses ni Bella ng malaman nito ang tungkol kina Britz at Frozen.


"Bella, friend.." saka ginagap ni Britz ang palad nito. "I'm sorry, okay? Sasabihin ko naman sainyo yung tungkol samin kaya lang, I'm not yet sure. I'm confused...Baka kasi hindi mutual ang feelings namin sa isa't-isa. But now, we found out that we love each other. Wag ka ng magtampo, please?"


Nakatingin lang ako sa dalawa habang inaamo ni Britz si Bella. Sakin naman kasi, although itinago iyon sakin ni Britz, naiintindihan ko naman. Sadyang super sensitive lang talaga itong si Bella.


"Are you sure about him? He's a playboy. Baka mamaya, saktan ka lang niyan.." sabi ni Bella.


Umiling naman si Britz dito. "Mahal niya ako at alam kong hindi niya ako sasaktan."


Bilib na ko kay Britz. Sa aming tatlo kasi, siya yung may pinakamalakas na loob. Aside from that, laging positive ang mindset niya. 


"Wow ha, confident much? Okay na ko, basta ilibre mo ako ng lunch. Ayoko ng food sa cafeteria." sabi ni Bella saka niligpit na ang mga gamit niya.


"Thank you friend!" saka niyakap nito si Bella. Tapos bumaling ito sakin at niyakap din ako. "Thank you din Cass. The best talaga kayo!" 


"Psh. Drama mo. Tara na, may one-hour lang tayo." sabi ni Bella saka nauna na itong lumabas ng classroom. 


"Okidokie! Let's go friend! " ani Britz saka hinila ako palabas ng room. 


******

Kumain nga kami sa labas and after an hour, bumalik na din kami sa school. Naglalakad na kami sa hallway ng may marinig kaming nagbubulung-bulungan. 


"She's Frozen's girlfriend? Tsk. As if magtatagal sila." 


"You're right girl. Asaness! Haha.."


"Hindi niya ba alam na parang damit lang kung magpalit ng girlfriend si Frozen? What a pity."


"Akala mo naman ang ganda niya. Tsk. Eh mas maganda pa nga ang aso ko sa kanya." Tapos nagtawanan ang mga ito.


Mga leche.


Nakita kong kumuyom ang palad ni Britz kaya't inunahan ko na ito. "Wag mo ng pansinin Britz. Wala lang magawa ang mga yan. Tara na." Ramdam kong gusto ng manampal ni Britz ngunit pinigilan nito iyon. Sumunod ito sakin kaya't dire-diretso kaming naglakad. "Asan na si Bella?"


Napalingon kami dahil sa nagsisigawan. Parang may nag-aaway.


"Bawiin mo'ng sinabi mo sa kaibigan ko!" 


Sabay naming natutop ang bibig. Si Bella, nakikipag-away!

Marriage at the Age of Sixteen! (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon