Mas lalo akong nahirapan sa magiging disesyon nang hawakan ni Kyle ang kamay ko. Ang mga mata niyang nangungusap— alam ko handa siyang ipaglaban ako.

Patawad, Kyle.

Binawi ko ang kamay mula sa pagkakahawak niya kahit labag pa sa loob ko. Muling nagsalubong ang mga mata namin ni ma'am Melisa.

"Wala po akong nararamdaman para sa anak niyo, wala kaming relasyon," dire diretsyo at hindi kumukurap na sambit ko.

Lumakas ang bulong bulongan mula sa nagkukumpulang mga tao. Nakita ko kung paanong bumagsak ang dalawang balikat ni Kyle. Biglang kumirot ang puso ko. Ayokong tignan niya ako na para bang ako na ang pinaka kinamumuhian niyang tao sa mundo.

"Why?," walang lakas niyang tanong.

Napayuko ako nang biglang bumagsak ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Mabilis ko iyong pinunasan.

Gumuhit ang ngisi sa mukha ni ma'am Melisa. Pumalakpak ito ng tatlong beses bago pumihit at humarap sa mga reporters.

"I think that already answered our questions. Matutuloy ang kasal," anunsyo ni ma'am Melisa. Lumapit siya sa mag asawang Quiño. Sumunod sa kaniya ang ilang press.

"Let's find my daughter now," saad ni Mrs Quiño.

"Of course balae, don't worry mahahanap natin si Jessica," niyakap ni ma'am Melisa si Mrs Quiño.

Lumapit sa'min sina Kean at Hannah. Hindi ko na malaman ang gagawin. Hindi ko na kayang tumingin kay Kyle. Hindi ko na kayang humarap sa mga taong nakapalibot pa rin sa'min. Tumakbo ako palayo sa kanila. Hindi ko alintana ang mga nasasagasaan kong guests. Gusto ko ng umalis.

Akala ko hahabulin ako ni Kyle. Pero hindi. Hinayaan niya ako. Mas lalo akong napaiyak habang tumatakbo papunta sa entrance. Napahinto ako nang makasalubong si Monica. Ilang segundo kaming nagkatitigan bago ko siya lampasan.

Nagtungo ako sa labas ng venue. Napaupo ako sa semento sa gilid ng kalsada at doon humikbi. Ngayong walang tao dito mas nailabas ko ang kanina ko pa pinipigilang pag iyak. Napahawak ako sa dibdib ko. Ang sakit.. sobrang bigat ng nararamdaman ko.

Maya maya pa may sasakyan na huminto sa tapat ng gate. Lumabas ang dalawang lalaki. May hawak na mic ang isa at may hawak namang camera ang kasama. Reporter to sa TV Patrol ah.

"Miss, Sassy ang pangalan mo diba? Pwede ka ba naming mainterview," biglang itinapat ng lalaki ang mikropono sa harap ko. Tumayo ako at pinunasan ang mga luha ko.

"Ayoko po uuwi na ako," sisinghot singhot pang tugon ko na para bang batang katatapos lang paluin ng mama niya.  Nagsimula na akong maglakad sa gitna ng malamig at madilim na kalsada.

"Sandali lang miss, may iilang katanungan lang kami ," pangungulit pa ng reporter. Nakasunod pa rin sila sa'kin.

Bigla nalang may kotseng huminto sa tabi ko. Pagbaba ng bintana nito, bumungad sa'kin ang mukha ni Kyle. Napangiti ako pero bigla ding naiyak. Leche ang panget ko na siguro, anong klaseng reaksyon na 'tong pinaggagawa ko.

"Let's go home," malamig na turan niya bago buksan ang pinto ng kotse. Wala na akong nagawa kundi ang sumakay para makalayo na rin sa makulit na reporter.

"Sir Kyle Vin, may itatanong lang kami sandali!," humabol pa sila pero mabilis na pinaharurot ni Kyle ang kotse.
         
Gaya ng inaasahan ko nilipon ng katahimikan ang pagitan namin. Walang ni isa sa'min ang nagsalita. Sumulyap ako sa kaniya, nakatingin lang siya sa kalsada at blanko ang mga tingin niya.

"Sana maintindihan mo.. k-kung bakit 'yon ang isinagot ko sa mommy mo,"  nakatingin lang ako kay Kyle. Hindi niya ako nilingon. Hindi ko alam kung hindi niya ba ako narinig o ano. Pero impossible naman dahil sobrang tahimik ng kalsada at walang nakakaabalang ingay.

"Kyle..," muling tawag ko sa kaniya.

"I understand, I love you but you don't feel the same way," peke siyang ngumiti habang hindi makatingin sa'kin ng diretsyo.

"Hindi totoo yan," saad ko.

Napailing siya at sarkastikong ngumiti. Ipinatong niya ang siko sa nakabukas na bintana habang nasa manebela ang isang kamay. Sumulyap siya sa'kin. "Then what's the truth? Don't worry, it's my fault. I thought you love me too"

***

September 06.

"Uy 'be nandito ka sa TV, ano nangyari sa party kagabi?," tanong ni Ate Nida. Napatigil ako mula sa pag akyat sa hagdan. Nilingon ko siya, naglilinis siya ng furnitures habang nanunuod ng TV.

"Isang maid nainlove sa amo niya! Partner gusto ko ang mga shobiz news tulad nito. Anak ng multi millionaire na si Kyle Vin Fuentes nagugustuhan umano ng kanilang maid.," anunsyo ng newscaster sa TV. napakunot ang noo ko nang makita ang picture do'n kung saan magkahawak ang kamay namin ni Kyle habang nakaharap kina ma'am.

"Hindi ba ikakasal na sa isang international actress si Kyle Vin, partner? Alam ko 'yon sa September 8 na updated ako sa vlogs ni Jessica Quiño," anang isa pang lalaking newscaster.

"'Yon na nga partner, kasabay ng pag amin ng maid kagabi sa isang Gala dinner ang pagkawala ng soon to be bride na si Jessica. Ano sa tingin niyo mga kaibigan? Isa itong napaka interesanteng palaisipan.. hmm"

"Loko, anong klaseng balita ba 'to," bwelta ni ate Nida.

Bigla akong nanghina. Pabagsak akong umupo sa sofa.

Maya maya lang napalitan ng mukha ni Mrs Quiño ang nasa TV. Nananawagan ito sa pagkawala ng anak.

"Jusko Sassy, ikaw ba ang tinutukoy na maid —" hindi na natuloy ni ate Nida ang sasabihin nang makitang mariin akong napapikit.

"Maid? Akala ko ba matalino sila, pareho lang ba ang maid at personal assistant?," napatayo ako. Napaatras si ate Nida habang nakatingin lang sa'kin. Natakot siguro siya dahil mukha akong manunugod at makikipag away. "Tsaka ako? Ako ang umamin kay Kyle?"

Itinago ko na nga ang totoo. "Ate kahit tanungin mo lahat ng taong nando'n alam nila ang nangyari. Bakit hindi nila ilabas ang video? Bakit puro pictures lang?" 

Hindi nakasagot si ate Nida. Bakas sa mga mata nito ang pagkalito. Sana lang hindi napanuod ni mama ang balita. Hindi ko na alam kung paano ako magpapaliwanag.

Hindi ko na malaman ang gagawin. Isa nalang ang malalapitan ko— si Kyle. Kumatok ako ng tatlong beses at mabilis naman niyang binuksan ang pinto.

"Napanuod mo na ba ang balita?," tanong ko.

"Yeah.."

'Yon lang ang isinagot niya. Mas lalo akong nakaramdam ng inis. Ang lamig ng mga titig niya at para bang wala lang siyang pakealam.

"May sasabihin ka pa ba? Marami pa akong gagawin," muling saad niya.

Hindi ako makapaniwalang ginagawa niya 'to. Parang ilang libong palaso ang tumatama sa dibdib ko. Bakit parang ipinaparamdam niyang wala siyang pakealam. Ang sakit..

"Alam mo ang totoo," halos pabulong kong sambit. Hindi siya kumibo. Bumagsak ang dalawang balikat ko. Mapait akong ngumiti bago siya talikuran.

"H'wag kang mag alala, I'll tell them the truth. The truth that you don't love me even though Im damn inlove with you.. the wedding's next next day, maybe I'll learn to unlove you," malamig niyang saad.

Napahinto ako at nilingon siya pero mabilis na niyang isinara ang pinto.

MISS FOREIGNSYANA [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon