"Oo, kakasabi ko lang kanina e," tumawa ako.

Hinalikan niya ako sa noo. "And I love you more.. No matter what happens.. no matter what you'll hear.. no matter what you'll find out. Tandaan mo palagi, mahal kita,"

Ngumiti ako at hinawakan ang pisngi niya. "Mahal din kita"

Habang pabalik kami sa lobby kung saan nagaganap ang party, napansin ko ang nakakabinging katahimikan sa pagitan naming dalawa. Nagtataka na tuloy ako kung tungkol saan ba ang natanggap niyang tawag kanina. Gusto ko siyang tanungin pero parang ang seryoso niya ngayon. Mamaya na lang.

Nakarating na kami sa veranda, sa ikalawang palapag ng kastilyo. Sumilip ako sa baba, napakunot ang noo ko nang makitang may mga pulis.

"Anong nangyayari?," naguguluhang tanong ko.

"Nawawala ang anak ni Mr Quiño," tugon ni Kyle.

Napasinghap ako. "'Yong si Jessica? Hala bakit daw? Pano? Tara tumulong tayo"

Maglalakad na sana ako pababa ng hagdan pero pinigilan ako ni Kyle sa braso. Naguguluhan ko siyang nilingon.

"Sassy.. I have to tell you something"

"Huh? Mamaya na, tignan natin kung anong nangyari do'n sa baba," tugon ko.

"I need to tell you this now," seryoso ang boses niya. Napatigil ako.

"Mangako kang hindi magbabago ang pagtingin mo sakin matapos kong sabihin sayo ang totoo"

"Kyle, p-pinapakaba mo naman ako," pilit akong tumawa.

Bumuntong hininga siya. "I—Im getting married in two days"

"N-Nagbibiro ka ba?"

Para akong binuhusan ng isang baldeng yelo. Ni hindi ako makakurap o makalunok lang man ng laway ko. Parang piniga ang puso ko.

"I'm sorry," hahawakan niya sana ang kamay ko pero humakbang ako palayo.

"Kanino ka magpapakasal?," tanong ko habang hindi makatingin ng diretsyo sa kaniya.

Hindi siya umimik. Nag angat ako ng tingin at matalim siyang tinignan. "Kalimutan mo na, hindi naman ako interesadong malaman"

Tumalikod ako at ambang aalis pero pinigilan niya ako sa braso. "Don't leave," bakas ang pagmamakaawa sa boses niya.

"Bakit hindi mo agad sinabi?," mahinang tanong ko.

"I'm sorry"

Hindi ko malaman kung anong dapat kong itugon. Para bang nagloloading  pa rin sa utak ko ang sinabi niya.

"But I want you to know that I won't marry Jessica"

Jessica.

Napailing ako at mapait na ngumiti. "Oo nga naman, bakit hindi ko naisip 'yon. 'Yong anak ni Mr. QuiñoItong party na 'to, nagc-celebrate ang pamilya niyo kasi ikakasal na kayo — at kailan? Malapit na diba, dalawang araw na lang"

"Alam mong tutol ako do'n," tipid niyang saad.

"Bakit? Kasi masyado pang maaga? Mga bata pa tayo? Kayo? Kasi ano—"

MISS FOREIGNSYANA [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon