Chapter Thirty

Beginne am Anfang
                                    


"Arrgh!" Inis na sabi mo at sinipa ito ng malakas. Pero masyado atang napalakas dahil may natamaan ka.


"Aray" Nanlaki ang mga mata mo at agad na nagbow upang humingi ng paumanhin. Natamaan mo ang isang matandang nagtitinda sa gilid ng kalsada. Walang masyadong tao sa ngayon dahil hindi pa uwian ng mga eskwelahan. Malapit kasi siya sa mga ito.


"Sorry po Ahjussi" Tinulungan mo rin siyang pulutin ang ilan sa mga tinda nyang nahulog nang dahil sayo.


"Sorry po talaga" Ibibigay mo na sana ito sakanya nang mapansin mong merch ng EXO ang tinitinda nya. Nagningning bigla ang mga mata mo.


"Waahh. EXO!" Natawa naman sayo ang matanda. Masyado kasing halata na fangirl ka.


"Kilala mo rin pala sila. Sikat na talaga ang mga batang yan" Nakangiting sabi nya sayo.


"Syempre naman po. Asawa po ako ng isa sa kanila" Mas lalo siyang natawa sa sinabi mo kaya ngumuso ka.


"Kayo talaga, oo na sige na, lahat na kayo asawa nila" Tumatawang saad niya.


"Pero seryoso po ako! Asawa po ako ni Sehun" Pagmamaktol mo pa.


"Oh sige, bibigyan na lang kita ng standee ni Sehun" Nagningning ang mga mata mo.


"Talaga po?!" Tumango naman siya kaya napatalon ka.


"Waaah, Kamsahamnida!~" Bumili ka rin ng mga bagong poster ng EXO pero wala kang nahanap na solo poster ni Sehun kaya yung buong grupo na lang. Nagpasalamat ka naman ulit at naglakad na pauwi bitbit ang Sehun standee na binigay sayo.


Kahit papano naibsan ang lungkot na nararamdaman mo.

-


Pagkarating mo sa bahay nyo ay napansin mong wala pa si Sehun. Dumiretso ka sa kwarto mo at isa-isang dinikit ang mga poster nila.


"Bakit wala akong solo poster?" Nagulantang ka nang biglang may nagsalita. Nilingon mo ito at nakita mo ang nakangusong asawa mo. Hindi nya ba nakikita ang sandamakmak na solo poster nya sa pader?! Isip mo pero bigla mong naalalang nasa kabilang side yun ng pader kaya baka ang tinutukoy nya ay yung mga bagong bili mong poster.


"Bakit naman ako bibili ng solo poster eh nandito yung nasa poster sa bahay ko?" Pagpapalusot mo sakanya pero mukhang di siya kumbinsido dahil di pa rin nagbabago ang ekspresyon sa mukha nya.


"Pero solo poster ni Luhan-hyung meron ka?" Mas lalong sumimangot ang mukha nya nang makitang meron kang solo poster ni Luhan.


Lagot. Libre nga pala yan sa standee na bigay ni Ahjussi. HunHan feels talaga. Habang naglalakad ka kasi kanina bitbit ang standee ni Sehun ay napansin mong may nakadikit na plastic sa likod. Pagkauwi mo ay agad mo itong kinuha para mapagmasdan at laking gulat mo nang makitang poster ito ni Luhan.


"Ano? Magsisinungaling ka pa?" Mahina ngunit madiing sabi nya. Napapikit ka ng mariin. Mukhang mag-aaway na naman kayo ni Sehun.


Kung hindi mo lang talaga alam kung anong tingin sayo ni Sehun ay iisipin mo talagang nagseselos siya sa mga hyung niya. Pero syempre, mahirap mag-assume.


Ngumuso ka naman at lumapit sa may pintuan para kunin yung standee nya. Iniharap mo naman ito sakanya. Nagulat siya pagkakita dito pagkatapos ay amused na ngumiti.


"Wala akong poster pero meron akong standee mo Oppa" Nahihiyang pag-amin mo sakanya.


"Libre yung poster ni Luhan-Oppa sa likod nito kanina. Sayang naman kung hindi ko ididikit kaya dinikit ko na lang saka wala akong nakitang poster mo kanina, naubos na ata. Ang dami ko kasing karibal eh." Pagpapatuloy mo pa. Sinadya mong hinaan ang boses mo sa huling sinabi mo para hindi nya marinig pero mukhang umabot pa rin ito sa pandinig nya dahil kitang-kita ang pag-angat ng isang sulok ng labi nya.


"At madadagdagan pa yun" Bigla kang napasimangot sa sinabi nya. Ipaalala ba naman yung WGM nya?!


"Eh di dun ka na sakanya." Bitter na sagot mo. Nakita mo naman ang biglang pagbabago ng ekspresyon ni Sehun. Binigyan ka nya ng mala-laser beam na tingin.


"So talagang ipamimigay mo ako?"


"Of course not" Hindi mo alam kung guni-guni mo lang pero biglang lumiwanag ang mga mata niya.


"Talaga? Eh di kukumbinishihin mo silang wag nang ituloy to?" Ngumuso ka sa tanong niya.


"Hindi rin" Agad na napalitan ng simangot ang ngiti niya.


"Eh pano pag nagkagusto ako sakanya?" Nanlaki ang mga mata mo at agad na napasimangot. Ano bang pinapalabas ng isang to? At bakit ba mukhang natutuwa pa siya? Para kasi siyang nang-aasar sa tono niya. Naiisip mo pa lang na magkakagusto si Sehun sa iba ay kumukulo na ang dugo mo.


"Hindi ko hahayaang mangyari yun!" Bahagyang tumaas ang boses mo. Akala mo nga ay magagalit sayo si Sehun kasi sinisigawan mo na siya pero nangunot ang noo mo nang makitang ngumisi lang siya.


"At pano mo naman mapipigilan yun??" Mapang-asar na tanong niya sayo pero hindi ka magpapatalo. Nginisihan mo rin siya at dahan-dahang lumapit sakanya. Binigyan mo siya ng isang mapang-akit na ngiti. Muntik ka nang matawa nang makita mong bahagya siyang napaatras. Lumapit ka pa lalo sakanya at napaupo siya sa sofa ng kwarto mo. Pinipigilan mong matawa sa ginagawa mo. Ang hirap magseryoso! Sabi mo sa utak mo habang kinakagat ang dila upang mapigilang matawa. Lumapit ka sa tenga niya at bumulong gamit ang mapang-akit na boses.


"Gusto mo talagang malaman?" Natutulirong tumango naman siya sayo.


"Kapag nalaman kong nagkagusto ka sakanya, irerape kita, Oppa" Malanding sabi mo sakanya. Bigla siyang namutla at pumula ng husto ang tenga niya. Lumayo ka naman sakanya at kinindatan siya bago lumabas ng kwarto mo.


Pagkasaradong-pagkasarado mong pinto ay saka mo pinakawalan ang tawang kanina mo pa pinipigilan.


Siya pa talaga ang natatakot marape.


Huminga ka ng malalim at napailing habang nakangiti. Kahit papano nabawasan ang takot at selos mo.

OH SEHUN'S WIFEWo Geschichten leben. Entdecke jetzt