"Sorry! HAHAHA," muling tawa ko nang matapakan ko nanaman siya.

"Tawa ka ng tawa, mamaya niyan iiyak ka," seryosong sabi niya.

"Hindi ako naniniwala do'n. 'Yong kapalit ng saya, lungkot? Hindi. Kaya nating maging masaya kung gugustuhin natin," depensa ko.

"♪ I have died everyday waiting for you♪ ," sinasabayan ko pa ang music habang sumasayaw kami ni Kyle.

"♪Darling don't be afraid I have loved you for a thousand years♪," Kyle

Nagulat ako kasi kumanta din siya. Ang ganda pala ng boses ng lalaking 'to.

Napansin niya sigurong natulala ako sa kaniya kaya natawa siya. "Why?"

"W-Wala.. ngayon lang kita narinig na kumanta. Ang ganda.. mas lalo tuloy kitang magugustuhan niyan — Este as a friend syempre mas lalo kitang magugustuhan hehe," sabi ko pa.

Napailing lang siya. Binitawan niya ako at pinaikot saka muling hinawakan ang baywang ko at nagsayaw ulit kami nang hindi nagpapalit ng steppings. Ganitong sayaw ang napapanuod ko sa barbie e. Ang dami ko talagang natututunan kapag kasama ko si Kyle.

Maya maya pa napatigil kami nang may lumapit na babae, siguro ay kaedad ni mama. Nakasuot siya ng asul na dress at kumikinang ang mga alahas niyang suot.

"Mom?," gulat na sambit ni Kyle.

Mabilis akong napaatras nang marinig ang sinabi niya. "Magandang hapon po," bati ko. Hindi ako nilingon ng mommy niya.

"Let's go, Kyle. Sasama ka sa'kin pauwi sa Manila," maawtoridad na sabi ng mom niya.

Napasulyap sa'kin si Kyle. Hindi ko naman alam ang sasabihin. Bigla nalang naging blanko ang utak ko. Kukunin na siya ng mom niya.

"Right now? Why? Did something happened?," naguguluhang tanong ni Kyle.

"There's no time for this, let's go—," napahinto sa pagsasalita ang mom niya nang magring ang cellphone nito. "I'll just answer this, pumunta ka na sa kotse"

Nilingon ako ni Kyle nang maglakad palayo ang mom niya. "Sassy, I think I need to —"

Hindi niya natuloy ang sasabihin. Isang butil ng luha ang bumagsak sa pisngi ko. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong naiyak.

"Hey don't cry," hinawakan niya ang kamay ko. "Babalik ako, I promise. Siguradong may nangyari lang sa bahay sa Manila. Babalik din ako bukas.," pag aalo niya. Pilit akong tumango at ngumiti pero naiiyak talaga ako. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Ito ang unang beses na para bang hindi ko kontrolado ang emosyon ko. Ayokong umiyak pero nag uunahan na sa pagbagsak ang mga luha ko.

"Tsk parang ewan 'to wag kang umiyak," pilit siyang tumawa. "I'll come back, promise. Sabay pa tayong aattend ng flag ceremony. Manunuod ulit tayo ng practice nila bukas," pagtutukoy niya sa mga sumasayaw sa stage.

"N-napuwing lang ako," pilit akong tumawa kahit nauutal na kakaiyak.

"Tsk mamimiss mo talaga ako 'no?," maloko siyang ngumiti kaya natawa ako.

"Baliw napuwing lang talaga ako"

"Ang laki sigurong puwing no'n," tumawa siya.

"Kyle Vin! Let's go!," boses 'yon ng mom niya. Sabay kaming napalingon dito. Bumaling sa'kin si Kyle. "Aalis na ako"

Tumango ako at ngumiti. Pinunasan ko ang luha ko gamit ang likod ng palad ko. Nauna ng umalis ang mom niya. Hahakbang na din sana siya paalis pero hinawakan ko ang laylayan ng shirt niya. Napayuko ako nang lumingon siya.

"Bumalik ka," mahinang sambit ko.

"I'll see you tomorrow, promise," aniya.

At.. 'yon na nga.
.
.
.

Naghintay ako..

Hindi siya bumalik.


Tumayo si Kyle at inilahad ang kamay sa harap ko. "Pwede ba kitang isayaw?.. ulit?"

Playing: Lover by Taylor Swift

Tumayo ako sa tapat niya. Muli nanamang nagtagpo ang mga mata naming dalawa. Hinawakan niya ang kanang kamay ko at ipinatong sa balikat niya. Marahan niyang hinawakan ang kaliwang kamay ko habang ang kanang kamay niya nasa baywang ko. Nagsimula kaming sumayaw sa saliw ng musikang nililikha ng aming isipan. Sa bawat titig ng abuhin niyang mga mata pakiramdam ko nawawala ako sa aking sarili at nalalasing sa dala niyang hiwaga. Umikot ako kasabay ng pag ihip ng hangin. Marahan niya akong hinila at ngayon ay nasa likod ko na siya. Nasa pagitan ako ng mga bisig niya habang dinadama ko ang pagpintig ng puso niya. Napapikit ako nang yakapin niya ako ng mahigpit. Hinalikan niya ang buhok ko at bumulong..

"I have something to tell you, Sassy"

Bigla nanamang naghuramintado ang puso ko. Nakahawak lang ako sa braso niya habang yakap niya pa rin ako mula sa likod. Napalunok ako.

"A-Anong sasabihin mo?"

"I.."

MISS FOREIGNSYANA [Under Revision]Where stories live. Discover now