"Kamusta namang Boss si Kyle?," nakangising tanong ni Kean. Hindi kami magkakatabi sa upuan. Dahil tigdadalawa lang per desk. Magkatabi kami ni Kyle. Nasa tapat kami nila Kean at Kent.

Sumulyap ako kay Kyle bago lingunin si Kean. "1 star," pabulong kong sambit.

"Anong ibig sabihin no'n?," natatawang tanong ni Kean. Ang daldal pala niya. Buti nalang wala pa 'yong teacher namin.

"Hindi ko nirerekomenda na mag apply din kayo bilang assistant niya, magsisisi kayo," biro ko. Natawa si Kean kaya nahawa rin ako sa tawa niya.

"As if I'm not here and I can't hear you," rinig kong tugon ni Kyle habang nagpipindot sa cellphone niya. Hindi ko nga pinansin. Nahuli kong nakatingin sa'kin si Kent, mabilis siyang umiwas.

"Uy Kent, naaalala ko sayo si Kuya," sabi ko. Gulat naman siyang napatingin sa'kin. Humagalpak nanaman ng tawa si Kean.

"AHAHAHAHA Seryoso? Ilang taon na ba kuya mo?," tanong ni Kean.

"19, isang taon lang ang tanda niya sa'tin," si Kyle ang sumagot. Napatingin ako sa kaniya pero tutok pa rin siya sa cellphone.

"Whoah pano mo nalaman 'yon dre?," nagtatakang tanong ni Kean.

Mabilis na lumingon si Kyle, ngayon pareho na kaming nakatingin kina Kean at Kent. "We're best friends," nakangiting sambit ni Kyle saka ako inakbayan. Matalim ko siyang tinitigan. Inalis ko ang braso niya sa balikat ko.

Best friend daw. Crush kita baliw!

"Ah 'yong lagi mong kinukwento dati na nakilala mo sa probinsya?," tanong ni Kent. Napataas ang kabilang kilay ko.

"Anong kinukwento niya?," hindi ko na napigilang magtanong. 

"Lagi kang kinukwento sa'min niyan noon, umiyak pa nga yan dahil—" Hindi na natapos ni Kean ang sasabihin dahil biglang nagsalita si Kyle. "Shut up!"

"He tells us about how nice you are as a friend," dagdag ni Kent. Natawa si Kyle tsaka nakipag apir kay Kent. How nice as a friend pala ha.

Pero narinig ko umiyak daw siya? Bakit?! Tsaka talagang friend lang ako sa kwento niya? Sure na 'yon?

"Kalimutan niyo na, hindi naman ako 'yong tinutukoy niyong kaibigan niya," sabi ko.

"Here we go again. Look, ayaw niyang umamin na siya ang nakilala ko noon sa probinsya," ani Kyle sa dalawang kaibigan.

"PFT— baka nakalimutan ka na Dre. Hindi ka daw gano'n ka special," tumawa si Kean.

Tumingin sakin si Kyle at seryoso ang mukha niya. "Did you already forget about me?"

Napalunok ako, hindi ko alam ang sasabihin. Natahimik din si Kean at Kent dahil sa inasal ng kaibigan. Letche anong drama 'yan Kyle Vin!?

Matamlay akong pumasok sa school. Medyo masama ang pakiramdam ko pero pinilit kong pumasok kasi mas lalo akong magkakasakit kapag hindi ko nakita si Kyle hehehe.

"You look pale", bungad niya nang makapasok ako sa classroom. Cleaners nila ngayon kaya maaga siyang pumasok para maglinis kasama ang Wednesday group.

MISS FOREIGNSYANA [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon