"Shhh dahan dahan lang ano ka ba naman," pag aawat pa sa'kin ni mama. Natawa nalang ako habang nakayakap sa braso niya. Nagluluto si mama ng caldereta, lagi talagang masarap ang ulam dito e.

"Sorry ma, excited lang kasi ako. Tsaka simula nang dumating ako dito, maraming bagong bagay akong na experience. Sana nandito din sina kuya at papa"

Hinaplos ni mama ang buhok ko kaya mas lalo akong dumikit sa kaniya at inihilig ang ulo sa balikat niya. "Hayaan mo magkakasama rin tayong buong pamilya"

Ngumiti ako at niyakap ng mahigpit si mama. Hindi gano'n kaperpekto ang buhay ko. Wala akong yaman na maipagmamalaki sa iba. Simple lang ang buhay namin sa probinsya. Isang kahig isang tuka. Mahirap, kaya nakipagsapalaran na rin ako dito sa maynila. Nagbabasakaling makatulong sa pamilya. Hindi ko naman akalaing sobra sobrang tulong ang ibibigay sakin ni Lord.

"O sya tama na ito, wala bang inuutos sayo si young master?," tanong ni mama. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya.

"Po? Sabi niya tinatawag niyo daw ako e," sabi ko.

"Aba'y hindi naman kita tinawag, hindi ko nga alam na nakauwi na pala kayo. Wala naman akong iuutos o sasabihing importante, teka lang at tatapusin ko na itong niluluto ko at maya maya lang darating na sila ma'am"

Aish! Ang lakas din ng amats ng lalaking 'yon. Matapos niyang tawaging mama ang mama ko. Inuto pa akong tinatawag daw ako ni mama.

"Sige po, pupunta muna ako kay Kyle— este kay young master," Tinahak ko ang pasilyo papunta sa kwarto ni Kyle.



Kyle's POV

Kinuha ko ang huling libro sa study table. Ilalagay ko na sana sa bookshelf nang may mahulog mula sa libro. I crouched to grab the photo.

Apat na taon na ang lumipas, masaya ako at hindi ko nawala 'to. Isang lumang litrato ng dalawang batang magkaakbay. Nakatingin ang babae sa camera, ang ganda ng ngiti niya. Ang lalaki naman nakatingin lang sa mukha ng babae.. na para bang sa wakas nahanap na niya ang pinakamagandang babae sa buong mundo. Na para bang iyon na ang huling beses na makikita niya ang babae. Sa mga oras na 'yon, alam nilang ang nararamdaman nila sa isa't isa.. hindi magkaiba.

"The b-bird is— is f–f–fly—flying in— in the s-sky"

Pumalakpak ako matapos basahin ni Sassy ang huling sentence sa binabasang libro. Her face turned bright when she smiled.

Nasa playground kami ng school. Tinuturuan ko siyang magbasa ng English. Nakaupo ako sa tapat niya at ang triangle shape na mesa ang nasa pagitan namin. Maraming naglalaro dito sa playground pero hindi naman masyadong istorbo sa pagpractice namin ng pagbabasa.

"Gumagaling ka na sa English, konti nalang mas magaling ka na kay ma'am," biro ko. Pareho naman kaming natawa. "Niloloko mo naman ako e, ang hirap kaya nito"

Nilipat niya sa next page ang libro. Nangalumbaba ako sa mesa habang nakangiti at nakatingin sa kaniya. Kahit madalas siyang tuksuhin ng ibang mga bata dito dahil sa haircut niya, hindi ko pa rin maiwasang humanga sa kaniya. I admire her pretty face so much. She's so beautiful like those red roses in the plant boxes, I hope she knows.

"Ito babasahin ko tapos itranslate mo sa Tagalog ah.," she said cheerfully. Tumango ako. "Game!" Nakatingin lang ako sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit pero sa araw araw na kasama ko siya, paganda siya ng paganda sa paningin ko.

MISS FOREIGNSYANA [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon