"Hindi mo ba talaga kayang tumahimik kahit ilang segundo lang?," tanong ko.

"Depende, kung kaya mong hindi magsungit ng ilang segundo"

My brows furrowed. "Bahala ka," inis akong pumasok sa kotse at padabog na isinara ang pinto.

"Ano na, young master!? Sa'n tayo pupunta?," walang pasabing pumasok din siya sa kotse at umupo sa shotgun seat.

"Sinong nagsabi sayo na pwede kang pumasok sa kotse ko?"

"Wala?"

"Then what are you doing in my car!?"

"Nakaupo?"

"Exactly! Sinabi ko bang sumakay ka sa kotse ko?"

"Hindi"

"Bakit ka nandiyan?"

"Wala ka namang sinabi na di ako pwedeng sumakay e!"

Great! At siya pa ang may ganang magalit at pagtaasan ako ng boses.
Nakakrus ang braso niya sa dibdib at nakataas ang kilay niya habang nakatingin sa'kin.

"What? I'm the boss here, hindi ka pwedeng umasta ng gan'yan," bwelta ko habang sinisimulan ng buhayin ang makina.

"Wala naman akong ginagawa ah," umayos na siya ng upo at tumingin na sa harap.

"Wow! Seatbelt ba 'to?," bakas ang pagkamangha sa asul niyang mga mata habang hawak ang seatbelt. "Teka pano ba 'to? Mags-seatbelt ba ako?," tanong niya.

"Mukha ba 'yang design lang diyan? Tingin mo para saan ang seatbelt?," I asked sarcastically.

"Uhm..," nag isip siya sandali. "Para sa.. good health.. and good life .. and world peace?"

Napakurap ako ng tatlong beses. Anong klaseng sagot 'yon. Hindi na ako nagsalita. Wala naman akong napapala sa pakikipag usap sa kaniya. Nagfocus nalang ako sa pagd-drive papunta sa covered court kung saan kami magp-practice. Ang dami ng oras ang nasayang dahil sa babaeng 'to. Ano namang nakita sa kaniya ng mga magulang ko at kinuha siyang PA ko.

"Pagkatapos ng basketball niyo, ipagpatuloy na na'tin 'yong tour ah"

I scoffed, "Ano ka sinuswerte?"

Bumuntong hininga siya. Naging seryoso ang mukha niya pero wala akong pakealam. Mabilis akong sumulyap sa kaniya bago ibalik ang tingin sa kalsada.

"Ang totoo minalas nga ako e," iiling iling niyang sabi.

"I don't care," tipid kong tugon.

"E ba't mo tinanong kung sinuswerte ako?"

I utter a curse under my breath.




Sassy's POV

Ang gulo din kausap nito. Tatanong tanong kung sinuswerte ba ako pero no'ng sinagot sasabihin I don't care.

No'ng makita ko ang gold nilang gate akala ko talaga s-swertehin na ako. Pero nang malaman kong siya ang boss ko. Senyales na 'yon na minamalas pala ako.

Nakatingin lang ako sa labas ng kotse habang nagmamaneho siya. Hindi ko alam pero nakakaboryong panoorin ang mga nadaraanan namin. Puro matataas na bahay.. at poste.. at kalsada .. at mga gusali .. at matataas na bahay ulit. Mabibilang lang ang mga punong nakikita ko. Sa probinsya kahit saan ka tumingin may mga batang naglalaro. Masaya do'n kasi 'yong ingay na maririnig mo boses lang ng mga batang nagbabardagulan sa labas tsaka 'yong tilaok ng mga tandang. Pati na rin 'yong mga nagchichismisang mga ibon tuwing umaga at hapon. Samantala, dito sa syudad ingay ng mga sasakyan at maiitim na usok galing sa mga tambutso ng motor at magagarang sasakyan ang sasalubong sayo.

"Hay sa wakas," nasabi ko nalang nang iparada na ni Kyle ang kotse sa tabi ng iba pang kotse. Ang daming kotse dito tsaka parang magkamukha pa lahat. Hindi ba sila nalilito?

"H'wag kang lalayo, kapag ikaw nawala bahala kang umuwi mag isa," saad ni Kyle nang makalabas na kami ng kotse. Hindi ko siya pinansin. Ano bang akala niya aalis ako mag isa? Kung alam lang niya, likod lang niya ang susundan ko buong magdamag.

Habang padami ng padami ang mga hakbang namin, palakas ng palakas ang naririnig kong alingawngaw. Parang nage-echo ang bolang tumatalbog sa sahig.

"Malapit na ba tayo?,"  tanong ko. Di niya ako nilingon.

"H'wag mo akong kausapin kapag nando'n na tayo," bilin niya.

"Bakit? Magkukunyari ba tayong hindi magkakilala? Medyo magaling naman akong umacting pero—"

"I said don't talk to me, mahirap bang intindihin 'yon?"

"I said don't talk to me Nye Nye Nye"

Mabilis siyang lumingon pero isang matamis na ngiti ang iginawad ko. Tsh galit nanaman siya e.

Mas lumakas ang naririnig kong boses ng mga lalaki. Nakarating na kami sa mismong court.

Napaawang ang bibig ko ng makita ang kabuuan ng court. Tumingala ako at nakitang sobrang taas ng bubong. Bubong ba 'yan? Basta 'yong pang mayaman na bubong. Ang kintab pa ng sahig parang 'yong basketball court kung saan naglalaro 'yong napapanuod ko sa tv namin. 'Yong sa NBA ganito 'yon e.

Naputol ang pagmumuni muni ko nang ihagis sa'kin ni Kyle ang bag niya na hugis rectangle ta's shoulder bag gano'n. Buti nalang nasalo ko, Ang sama talaga ng ugali ng lalaking 'yon.

Tinalikuran niya ako at lumapit siya do'n sa medyo may edad na lalaki na nakacap. Coach yata 'yon kasi may pito. Nanatili akong nakatayo sa gilid yakap yakap ang itim na bag na may puting check pa na design habang nakatingin sa mga lalaking naglalaro sa gitna ng court.

"Whoa! Ang galing!," sigaw ko nang maishoot ni number 15 ang bola.

Napalingon naman sila ng mga kasama niya sakin. Nagthumbs up lang ako. Napansin kong napalingon din sa'kin si Kyle at ang sama ng tingin niya. Galit nanaman di ko naman inaano.

May sinabi sa kaniya ang coach niya matapos ay naglakad siya palapit sa'kin. Napasign of the cross ako. Mahirap na mukhang mags-supersaiyan nanaman siya e.

"Stay on the bleachers and shut your mouth," mahina pero madiin ang pagkakasabi niya.

"Anong blebears?"

"I.said.sit.on.the.blea.chers.," dahan dahan ang pagsasalita niya pero halata namang naiinis na siya. "Nakikita mo ba ang mga upuan diyan sa tabi?"

Tumango ako. Sarkastiko siyang ngumiti. "Good job, umupo ka do'n!"

"Opo master"

Naningkit ang mga mata niya kaya nagtaka ako ano nanamang problema.

"Young master," pagtatama niya.

"E gano'n din 'yon"

"Kyle, mamaya na ang lambingan Dre!," sigaw ng lalaking may number 4 sa jersey niya. Tumawa ang mga kasama niya kaya tumawa na rin ako. Syempre hindi nakitawa si Kyle kasi KJ siya e.


MISS FOREIGNSYANA [Under Revision]Where stories live. Discover now