Idolo

22 2 0
                                    

Sa araw-araw ay di ko maintindihan
Bakit ang ngiti mo ay di ko makalimutan.
Ipikit man ang mga mata'y aking nasisilayan
At patuloy na kumakatok sa aking kamalayan.

Sa bawat indak ng iyong katawan
Hindi maiwasang ikaw ay hindi hangaan
Pagkat tila isang mahika ang sa akin ay nanahan
At ang puso ko ay inangkin mo ng tuluyan.

Kulang pa kaya ang mga bituwin sa langit
Kung iaalay ko upang ikaw ay lumapit?
Kulang pa kaya ang buwan at ang araw
Upang ang paghanga ko ay hindi pumanaw?

Ang mga letra at titik na iyong inaawit
Ang pumapawi sa aking mga sakit.
Kung maririnig mo ang bawat kong pagtangi
Ako kaya ay pakikinggan? Huwag naman sanang hindi.

Maligaya akong tanawin ka kahit sa malayo
At pakinggan ang awiting mula sa iyong puso.
Kalabisan ba kung ikaw ay aking hahagkan
O naising mga kamay mo ay mahawakan?

Sa libo libong tao na sa iyo ay sumusunod
Na tila ba alon na nagbabadyang umanod,
Ako'y isa lamang tagahanga at ikaw ay aking idolo
Isang katotohanang hindi magbabago ang titulo.

*I'm feeling generous today! Haha Here's a second poem... a gift if you may call it. Cheers to all fans to idols here! 💜 Borahae!

*fanart not mine

*fanart not mine

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.
Kalipunan ng mga Salita ng Pusong SugatanDonde viven las historias. Descúbrelo ahora