Torpe-do

638 22 19
                                    

Nung unang nakita kita,
Gusto ko lang ay kausapin ka.
Pag tagal, naisip ko
Kunin ko kaya number mo?
Isang text mo lang, masaya na ako;
Swerte ko, tumawag ka, nganga ako.
Tameme. Di makasalita.
Pa'no ba naman, may da moves ka!
Gusto mo rin kaya ako?
O baka nananaginip na naman ako?
Pwede kaya kita yayain kumain sa labas?
Kahit sa nanay mo pa tayo humingi ng basbas.
Ano ba tong mga naiisip ko?
Bakit ba kasi ang ganda mo?
Kakaba kaba na naman dibdib ko
Ang lapit kasi ng distansya mo.
Malambot kaya kamay mo?
Sana naman kahit minsan mahawakan ko.
Ang saya siguro kapag may ako at ikaw,
Magliliwanag mundo ko, parang maraming ilaw.
Wag lang sana magbrownout
Wag din sana maknockout.
Teka nga, ang isip ko ang layo na
Eh kunin nga number mo di ko pa magawa.

*update on a weekend. :) Cheers to those who tremble whenever they are around the people they like. 😂

Kalipunan ng mga Salita ng Pusong SugatanWhere stories live. Discover now