Tanikala

266 5 4
                                    

Maliit man ang iyong tinig
Na kung minsan ay di naririnig,
Kaibigan, ikaw ay manalig
Na lalaya ang bayang sa luha dinilig.

Bulag man na tumatahak sa madilim na gabi
Ay naniniwalang may liwanag na matatanaw sa huli.
Huwag mong hayaang maging pipi o bingi
Ang pusong matagal nang nakararanas ng hapdi.

Pabagalin ka man ng tali at tanikala,
Kalmahin ang isip, wag kang mabahala;
Ang iyong bukas, malabo ma'y magtiwala
Na matatapos rin ang pagdurusa.

Hawakan mo ang kamay ko
At tandaang may kakampi ka sa mundong ito.
Maliit man ang tinig at may tanikala ng mga paa mo,
Patatatagin ng paghihirap ang iyong puso.



*Hey, whatever happens, know that you are not alone. :) This one, I dedicate to my countrymen.  Bangon, Pilipinas! 

  Bangon, Pilipinas! 

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Kalipunan ng mga Salita ng Pusong SugatanOn viuen les histories. Descobreix ara