Galimlim

850 25 22
                                    


Mahal, ikaw ay nasaan?

Bakit kailangang lumisan?

Ano nga ba ang dahilan

Upang ako'y iyong talikuran?


Mahal, paano na ako?

Paano na ang tayo

Kung patuloy na pipigilan mo

Ang pag-ibig na sana ay tayo ang magkasalo?


Mahal, ako ba ang mali?

Mahalin ba ako ay di ganoon kadali?

O sadyang kaligayahan natin ay hindi

Para sa atin; tulungan mo akong umintindi.


Mahal, dapat ba ako'ng maghintay

At gamutin ang puso kong malapit nang mamatay?

O dapat nang ako ay di masanay

Sa presensya mong hinahanap sa bawat hanay?


Mahal, halika, mag-usap tayo

Kausapin mo ang matigas kong ulo,

Patahanin mo ang malambot kong puso

Dahil nagpupumilit na ika'y yakapin ko.


Mahal, wag kang umalis

Tuyuin ang mga luhang dumadalisdis;

Takot sa mga darating na bukas ay di ko maalis

Kung wala ka, araw-araw ay puro pagtangis.


Mahal, saan ako nagkulang?

Mahal, ano ang kailangan ko'ng gawin?

Mahal, bakit ka tumalikod?

Mahal, paano ang ating bawat pangako?



*So, I was listening to the song above, and was talking to Dian when the poem pops up. Haha! The persona in the poem was asking what went wrong and why his/her lover left. The persona asks, "What about us? What about our love? What about our promises?" 

*galimlim (noun) - the feeling of hopelessness; suppressed love for someone

Kalipunan ng mga Salita ng Pusong SugatanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon