Nasirang Pagkakaibigan

166 8 0
                                    


Bumalik ka na pala...

Ikaw pa rin kaya ang dati kong nakilala?

Ating pagkakaibigang nasa aking gunita,

Mga tawanan at pinagsamahang aking laging alaala.


Bakit nga ba tayo nagkalimutan?

Dahil ba sa isang munting di pagkakaunawaan?

O dahil sa isang pakiusap na di napagbigyan?

O sadyang mali ang lihim na pagtitinginan?


Mga nakaw na sandaling bakas ng kahapon,

Sana ay makalimutan pagdaan ng panahon

At magkaroon ng panibagong pagkakataon

Isalba ang pagkakaibigang binuo ng madaming taon.


Mga biruan na sa tuksuhan nauwi

Sa pagkadurog ng puso at mga hikbi.

Bawal na pagmamahalan ang naging sanhi

Sana pinagsamahan ay maibalik pa sa dati.


Di na sana natin tinawid ang linya.

Di na sana sa tukso ay nagpadala.

Ikaw at ako sana hanggang ngayon ay masaya

Sa pangakong habangbuhay ay kaibigan kita.


*Have you ever regretted crossing the friendship line? I know, sometimes, people really do cross the lines

Hoppla! Dieses Bild entspricht nicht unseren inhaltlichen Richtlinien. Um mit dem Veröffentlichen fortfahren zu können, entferne es bitte oder lade ein anderes Bild hoch.

*Have you ever regretted crossing the friendship line? I know, sometimes, people really do cross the lines. But what happens when the relationship is over? Do you want to try to save the friendship? I want to know your thoughts. Haha! And oh, don't forget to listen to the song. :) 

Kalipunan ng mga Salita ng Pusong SugatanWo Geschichten leben. Entdecke jetzt