Sana, Mahal

3 0 0
                                    

Sana sinabi kong "mahal kita"
Kasi pagsisisihan ko pala
Na hinayaan kong mahalin ka ng iba
Nang di man lamang naipagtapat ang nadarama.

Sana sinabi kong "sana ako na lang"
Kahit na nga ba wala naman kasiguruhan
Kung ako rin ba ang tunay na laman
Ng puso mong mataas ang mga harang.

Sana hinawakan ko ng mahigpit ang mga kamay mo
Noong nagpaalam kang mawawala ka na sa tabi ko
At hahanapin ang puwang mo dito sa mundo
Kahit di mo alam na manatiling ikaw ang panalangin ko.

Sana hindi ako bumitaw sa pagkakayakap
Kahit na unti unting ang pagkakahawak mo'y lumuwag
At sa wari ko'y pag-ibig mo'y di ko na mahahagilap
Sa mga oras na mga mata mo'y di na para sakin ang kislap.

*Hello! Here's my favorite summer picture

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

*Hello! Here's my favorite summer picture.
Last update was 2021? I'm so sorry.
To those who celebrate, spend the Holy Week well! 💜

Kalipunan ng mga Salita ng Pusong SugatanWhere stories live. Discover now