Kumusta Ka?

9 2 2
                                    

Uy, hello, kumusta ka?

Hoppla! Dieses Bild entspricht nicht unseren inhaltlichen Richtlinien. Um mit dem Veröffentlichen fortfahren zu können, entferne es bitte oder lade ein anderes Bild hoch.

Uy, hello, kumusta ka?

Matagal tagal na rin pala

Mula ng huling ikaw ay makita

At makausap nang nakatingin sayong mata.

Madaming bagay na ang nagbago,

Ilang buwan at taon na ang lumipas

Ngunit kahit kailan ay hindi kumupas

Ang pag-ibig ko para sa iyo.

Nakita kong nagbura ka ng mga litrato,

Mga tala ng nakaraan kasama ang mahal mo.

Malungkot ka ba ngayon? Nagsasaktan? Nangungulila?

Ano man ang pinagdaraanan mo, nandito ako.

Ibuhos mo ang iyong mga luha,

Buksan mo ang iyong puso,

Ikwento mo man ang istorya ninyo,

Huwag kang mag-alala, makikinig ako.

Lagi kong ipaaalala sa iyo,

Narito ako, kaibigan mo ako.

Huwag mong alalahanin ang puso kong

Nadudurog sa tuwing ika'y nasasaktan.



***

Surprise! (I guess?) Ikaw, kumusta ka na?

Du hast das Ende der veröffentlichten Teile erreicht.

⏰ Letzte Aktualisierung: Jan 16 ⏰

Füge diese Geschichte zu deiner Bibliothek hinzu, um über neue Kapitel informiert zu werden!

Kalipunan ng mga Salita ng Pusong SugatanWo Geschichten leben. Entdecke jetzt