Itong mga luha na kusang pumapatak
At tila di ko kayang pigilan,
Isang araw ay bigla na lamang mawawala.
Isang araw, matutuyo ang ilog na nasa aking mga mata.
Itong mga hikbi na patuloy kong pinatatahimik
At tila di alam ang salitang pipi,
Isang araw ay bigla na lamang hihina.
Isang araw, titigil at titila.
Itong aking pusong kinukurot, sinasakal
At tila tinutusok ng maliliit na karayom,
Isang araw ay biglang gagaling.
Isang araw, mawawala ang sakit.
Itong aking mga braso na hinahanap hanap ka
At tila ba bawat minuto ay alaala ka,
Isang araw ay bigla na lamang masasanay.
Isang araw, matatanggap na ika'y wala na.
Itong aking mga labi na binabanggit ang ngalan mo
At ang mga salitang "ikaw lamang ang mahal ko,"
Isang araw ay biglang iimik, ngingiti.
Isang araw, masasabi kong kaya ko ang wala ka.
*Here's another sad poem for all of you. Wallow in sadness, all of you. Lol. Just kidding!
YOU ARE READING
Kalipunan ng mga Salita ng Pusong Sugatan
PoetrySa malayo nakatanaw Hawak ay iyong kamay; Mahal, nakikita mo ba ang bukas? Sa wakas, tayong dalawa'y gagawa ng ating bakas. © Please, DO NOT copy without the author's permission. Let's practice respect and ethics here.